Chapter 15

27 0 0
                                    

Kinabukasan, tinext ako ni Alex at sinabing magkita kami sa may garden pag-uwian na. 

Nakaupo sa may bench naghihintay ng may nagtakip sa mga mata ko.

'Ayy! Alex?'

'....'

'Wut grabe.'

'Anung Alex? Grabe ganyan ka na ah.'

Huh? Gab? Umupo siya sa tabi ko.

'Uy Gab ikaw pala. Akala ko si Lex. Antayin ko daw siya dito e.'

'Ganun. Naks, may date kayo?'

'Di ah. Grabe ka naman.'

'Gutom ka na?'

'Hmm. Medyo.'

'Hahaha. Ikaw talaga. Eto oh. Pampalipas gutom habang naghihintay.'

Binigyan niya ako ng chocnut.

'Uy. Salamat.'

'Oh, ayan na pala si Lex eh. Sige bye na.'

'Huh? Okay bye.'

Anu yun nagmamadali?

'Hi Ana.'

'Hi Lex.'

'Sino yung kausap mo?'

'Si Gab.'

'Ahh.'

'So ba't mo ko pinagantay dito?'

'Wala lang. Haha.'

'Weh. Ang gulo mo ah.'

'Tss. Halika, hatid na kita sa inyo.'

'Huh? Ah okay.'

May mood swings din pala ito ah.

'Ayaw mo bang kumain muna? Kwentuhan ganun?'

'Sige ba. Uhm. Laro na lang tayo sa arcade?'

Wow tapos biglang game maglaro? Yung totoo kuya?

'Sige! Game ako!'

So naglaro kami tapos kumain sandali sa Mcdo. Hinatid niya ako hanggang sa may street namin.

'Uhh Ana..'

'Hmm?'

'Wag kang magagalit sa itatanong ko ah.'

Magagalit?

'Huh? Okay. Ano ba yun?'

'Uhm, anung meron sa inyo ni Gab?'

Sa gulat ko sa tanong, natameme ako. Tapos natawa ng konti. Ba't naman niya maiisip yun?

'Huh? Wala. Ba't mo naman naiisip yun?'

'Wala lang. Parang iba yung closeness niyo.'

Omygosh! Nagseselos si kuya? Haha

Napangiti ako.

'Best friend ko kasi siya. Pero yun lang. Okay?'

'Ah okay. Sige bye.'

'Okay. Ingat ka.'

Nagulat din ako sa tanong niya ah. Pagdating sa kuwarto ko, kumuha ako ng gawang paper heart at nagsulat,

Anu nga bang meron sa atin Gab?

Okay.. Ba't ako ako napapaisip ng ganito? Best firend ko si Gab. Yun lang.

Hay nako ang gulo ko talaga!

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon