Sa nakalipas na dalawang linggo, naging pare-pareho na ang daily routine ko.
Kapag recess, kasama ko si Bea. Pero kapag lunch na, sumasama na si Alex sa amin. Tapos kapag uwian, nagkikita kami sa may garden tapos ihahatid niya ako hanggang terminal.
Habang naglalakad kami, may naisip ako bigla.
'Uy Lex, bakit sa garden tayo nagkkita?'
'Kasi may meaning sa akin yung lugar na to.'
'Ano?'
'Dito kita unang nakita e.'
'Ahh. Naks naman.'
Nang nasa sakayan na kami, may binigay siya sa akin.
Isang bulaklak. Pink rose.
'Oh para saan to?'
'Uhm, Ana. Payag ka bang ligawan kita?'
'Uhh..'
'...'
'Akala ko nga nililigawan mo na ako e.'
Ngumiti ako. At ngumiti din siya. Hinawakan niya yung kamay ko at pinisil ng konti.
Tama kaya yung sinabi ko?
Pagkatapos nun, nagbabye kami at umuwi na ako. Sa bahay, tinawagan ko si Bea.
'BEAAAAAAAAAA!!!!!'
'Oh bakit?'
'Pumayag na ako.'
'Na ano?'
'Ligawan ako ni Alex.'
'Asus. Akala nga namin kayo na e. Tapos ngayon ka pa lang pala pumayag na ligawan ka niya?'
'Oo. Ewan. Grabeeee.'
'Ano, kinikilig ka no? Ano bang ginawa niyo kanina?'
'Wala lang. Hinatid niya ako tapos binigyan niya ako ng pink rose. Tinanong niya kung pwedeng manligaw tapos biniro ko na "Akala ko ba nililigawan mo na ako?" Grabe te. Ang weird ng feeling ko ngayon.'
'Love na kaya yan?'
'Love? Agad-agad?'
'Ewan ko sayo. Sarili mo yan.'
'Okay. Salamat sa pakikinig. Bye na, may gagawin pa ako.'
'Sige te. Bye. Hinay hinay lang ah. Baka may masaktan.'
'Ha?'
Tapos binaba na niya yung phone. Bakit may masasaktan kung sa tingin ko may gusto ako kay Alex? May nagkakagusto kaya kay Lex? Hmm.
******
Nakapagupdate muli. :)) Thank you sa nagbabasa neto. Mas nakakainspire magsulat. Hihi. :">
![](https://img.wattpad.com/cover/4148231-288-k430484.jpg)
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Teen FictionSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.