Chapter 10

28 3 0
                                    

Uwian na!

Tinext ako ni Alex na aantayin niya daw ako sa may umbrella tree. Pero pagdating ko dun, nagulat ako ng si Gab yung nakita ko dun. May dala siyang paper bag ng blue magic. Naks, para kanino kaya yun?

'Uy Gab!'

'Oh An-an. Ikaw pala.'

'Tss. Nangtrip-trip ka nanaman'

'Eto naman, nagbibiro lang.'

'Ba't ka nandito?'

'May hinihintay ako.'

Tapos biglang dumating si Alex.

'Oy pre nandito ka pala. Ana sorry pinagantay kita. Kanina ka pa ba? Tara.'

Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Alex. Kinuha niya yung bag ko at hinawakan ang kamay ko. Hala! Baka kung ano na yung isipin ni Gab

'uhhh.'

'Uy pre una na kami ah?'

'Geh'

Di ko talaga alam kung anung dapat sabihin at kung anung dapat gawin? Shems! Kinikilig ba ako? Kawawa naman si Gab iiwan namin. Tatanungin ko pa naman sana kung anung laman nung paper bag.

'Bye Gab.'

'......'

Tss. Di na ako pinansin. Problema nun?

Habang naglalakad kami, nagkukuwento si Alex tungkol sa araw niya. Masaya siya kasi nakaperfect daw siya sa quiz sa Calc. GC pala to.

'Ang tahimik mo ata. Okay ka lang ba?'

Sabay hawak sa noo ko.

'Oo naman. Napagod lang ako siguro.'

'Hmm. Gusto mong ice cream?'

'Sige ba!'

'Oh, nabuhayan bigla nakarinig lang ng pagkain.'

'Grabe ka naman. Tara na nga.'

Sabay hawak sa kamay niya at hinila papuntang SM. Di na niya binitawan yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa ice cream store at pinaupo niya ako kasi oorder siya. Ayos lang naman sa akin. Medyo weird lang yung feeling.

Binilhan niya ako ng cookies and cream tapos rocky road yung kanya.

'Oh. Tahimik ka nanaman.'

'Ang sarap kasi eh.'

'HAHAHA. Ikaw talaga.'

Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano hanggang sa gabi na at tinext na ako ni mama. Hinatid niya ako sa sakayan.

'Gusto mo hatid na kita sa inyo?'

'Wag na. Gabi na eh.'

'Sige. Bye.'

'Bye.'

Pag uwi ko sa bahay, kumuha ako ng papel at gumawa ulit ng puso. Sinulat ko,

Siya na ba kaya?

******

Yey! Nakapagupdate din. Busy pa din eh. :)

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon