Kinabukasan, isang normal lang na araw sa school. Pero naging masaya kasi wala kaming teacher sa last three subjects namin. Kaya ayun, tambay kami ni Bea sa may umbrella tree. Nageedit siya ng essay niya habang gumagawa ako ng paper hearts.
'Uy Ana. Seryoso ka masyado sa pagtutupi diyan ah.'
'Wala lang. nakakarelease lang ng stress.'
'Bakit may problema ka ba?'
'Wala naman. School work lang siguro...'
'Asus. Inspired ka noh?'
'Shhh. Magsulat ka na nga lang diyan.'
'Hi Bea!'
Uy. Si Sam, kasama si Gab. Wala rin siguro silang teacher.
'Hi Sam.'
Yieee. Si Bea namumula. Hahaha!
'Gusto mong libre kitang palamig?'
'Sige. Kaso paano si Ana?'
'Andiyan naman si Gab. Tara.'
''Sige. Ayos lang Ana?'
'Oo. Sige lang.'
Pagalis nila Bea, awkward silence nanaman. Paano ba naman, nakaearphones si Gab. Ayaw ata akong kausapin eh.
'Uy Gab.'
'...'
'Gab!'
'...'
'GAAAAAAB!!!!'
'Baklit?'
Hay salamat! tinanggal na rn yung earphones.
'Iniiwasan mo ba ako?'
'Hindi naman. Bakit?'
'Wala lang. Di ka na kasi nagkukuwento eh.'
'Ah ganun ba. Busy lang kasi ako.'
' Eh ba't kapag break?'
'Ikaw naman yung busy sa kakain.'
'Weh.'
'Oh ayan. Nakangiti ka na. Seryoso ka masyado sa ginagawa mo eh. Para saan ba yan?'
'Wala lang. Pampaalis stress.'
'Dali turuan mo nga ako.'
'Sige.'
Tinuruan ko si Gab. Nakakatuwa siyang turuan kasi mukang wala ata siyang patience sa ganitong bagay.
''Ang hirap naman!'
'Di ah. Simple lang kaya to.'
'Sige na nga. Ulit.'
Ilang minuto pa ang nakalipas, nagawa na rin ni Gab.
'Hirap nun ah. Pero at least nagawa ko.'
'Oo nga. May future ka! Haha.'
'Tsk. May bibilhin lang ako sa canteen. Malapit ng maguwian diba? Sabay tayo mamaya?'
'Hmm. Sige.'
'Kunin ko lang gamit ko tapos antayin mo ako dito.'
'Okay.'
Ang saya! Mukang ayos na ulit kami. Haha. Kinuha ko yung ginawa niyang puso tapos sinulatan ko.
Ang unang pusong binuo ni Gab.
Bumalik si Bea para magpaalam sa akin. Niyaya daw siya ni Sam na kumain sa Mcdo. Ang saya siguro nitong babaeng to. Pagdating ni Sam para sunduin siya, hirap akong pigilan ang kilig para sa kanya.
Pagdating ni Gab, may dala siyang chocnut para sa akin.
'Naks. Anung nakain mo?'
'Diba favorite mo yan?'
'Oo. Salamat ah.'
Tinignan niya ako sa mata.
'Bakit?'
'Uh wala. Halika na. Baka gabihin ka pa.'
'Asus, ang lapit lang naman ng bahay namin eh.'
Paguwi ko ng bahay, ang sarap ng pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Roman pour AdolescentsSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.