Chapter 20

19 1 0
                                    

Prom.

 Eto na. Hinatid ako nila mama dahil di ako pumayag na sunduin ako ni Lex. Feeling ko aatakihin si papa kapag ginawa niya yun. Ligawan stage pa lang naman kami.

Naka suot ako ng purple na dress tapos silver na heels. Nagpakulot at konting burloloy sa buhok, tapos konting make-up. Last na daw kasi to kaya pinilit ako ni mama na mag-ayos ng husto.

Pagbaba ko ng kotse, naghihintay na sila Bea at Sam. Nagulat nga ako kay Bea eh. Mas nag-effort pa siya compared last year. Iba na talaga kapag inspired.

‘Naks Bea. Nageffort ka talaga ah.’

Tapos siniko niya ako.

‘Che. Ikaw kaya ang nageffort diyan. Parang diyosa, eleganteng elegante Hahaha.’

‘Hay nako tigilan mo ako. Tara, magparegister na tayo.’

Pagdating sa lobby nakita namin si Alex at Gab na naguusap.

‘O nandiyan na pala kayo.’

‘Hi. Ang ganda niyo ah. Lalo ka na Ana.’

‘Nako. Dumadamoves ka nanaman bro ah.’

Ako naman ngumiti na lang. Si Gab nakatingin lang sa amin.

Biglang dumating si Rhea.

‘Hi guys ! Uy Gab. Andiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap ah.’

Tapos hinawakan ni Rhea yung kamay ni Gab.

‘Tara pasok na tayo.’

Yung grupo namin nakaupo lang sa isang table. Tabi tabi yung magkakadate. Tapos nagstart na yung program.

The usual ceremonies lang naman yung nangyari. After kumain saglit, inannounce na yung nominees for prom queen and king.

Inunang tawagin yung mga third year. Natawag din sila Gab at Alex (crush kasi ng bayan kasi varsity) Ako naman tuwang tuwa para sakanila.

‘Ana Cruz.’

Hah?! Tama ba yung narinig ko?!

‘Hoy Ana tawag ka. Akyat na.’

Nako naman. Nakakahiya. Pero no choice e. Inintroduce lang namin yung sarili namin sa audience tapos konting lakad. Then pinababa din kami. Nagdeliberate yung judges (which is yung teachers) tapos inannounce din yung winners.

1st prince si Alex tapos 1st princess yung isang third year. Siyempre ako todo sigaw. Nakakatuwa lang na nanalo siya. Nanukso pa nga yung iba e.

Tapos nung tinawag na yung king, si Gab yung nanalo. Todo palakpak ang lahat. Pero itong si Gab poker face lang. Hay nako medyo weird talaga yun.

‘And his queen is… Ms. Ana Cruz.’

Nanlaki yung mata ko bigla. Ako?! Medyo nanigas pa ako. Hala ba’t ako? Nakakahiya. Nakalakad naman din ako papuntang stage pero muntikan pang madapa. Pagdating dun, nilagyan ako ng sash.

‘And now, the first dance to be started by the queen and king.’

WHAT?!

Kinuha ni Gab yung kamay ko at nilakad ako sa gitna ng dance floor. May spotlight pa nga e. Ngumiti siya. Yung cute na nakatabingi niyang ngiti. Tapos nagplay na yung kanta. Tapos nagplay na yung kanta. A Thousand Years, at sumayaw na kami.

Heart beats fast

Colors and promises…

Ewan ko ba parang bumilis yung tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Parang may lock yung mga mata namin.

How to be brave

How can I love when I’m afraid to fall.

 Tapos tumawa siya.

‘May nakakatawa ba ?’

Watching yung stand alone.

‘Wala naman. Parang pumayat ka ata ngayon. Ganda mo ngayong gabi e.’

All of my doubts suddenly goes away somehow..

‘Tss. Bihira na nga lang tayo magusap nangaasar ka pa.’

‘Ganda mo kasi e. Haha.’

‘Gab umiiwas ka ba ?’

‘Hmm.. Ba’t naman ako iiwas ?’

‘Ewan ko sa’yo.’

‘…’

Di na siya nagsalita, nakatitig lang sa akin.

One step closer..

Kaya sinandal ko na lang yung ulo ko sa kanya.

At ayun, si Gab ang naging first dance ko.

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon