Nung break time na, nagpunta kaming canteen para kumain kasama nung barkada. Kasama namin sa table sila Gab, Rhea, Sam at Viel.
'Oh Ana. Bakit half rice lang? Diet ka no?'
'Grabe ka naman Gab. Tigilan mo ako ah. Bv ako ngayon.'
'Anung problema niyan Bea?'
'Hay nako. Masakit paa niyan. Natalisod kanina nung nagcocommunity service siya.'
'Yan kasi, nagpalate pa.'
'Tumigil ka na Gab ah. Isusubo ko sa'yo yung sapatos ko.'
'Oo na. Wow ah. Parang meron lang ah.'
Pagkatapos naming kumain, biglang tumayo sila Rhea, Viel at Bea.
'Oh ba't nagmamadali kayong tatlo?'
'May gagawin pa kami para sa Span eh. Mauna na kami ah?'
'Uy. Sabay na ako. May ibibigay din ako kay Ma'am.'
Hay. Iniwan pa ako ng mga to kay Gab. Tsk.
'Halika hatid na kita sa room niyo.'
'Ah sige.'
Habang naglalakad kami pabalik sa room namin, kinapa ko yung bulsa ko ata naalala ko yung pusong ginawa ko kaninang umaga.
'Ay.'
'Anung problema?
'Wala. Nalaglag ko nanaman yung puso ko.'
'Ha?! Eh ba't humihinga ka pa ngayon?'
'Sira! Yung ginawa kong puso kanina. Nalaglag ko ata sa may garden. Tara balikan natin.'
'Wag na. Gawa ka na lang ulit ng bago. Baka nawalis na yun nila kuya.'
'Ano ba yan. Sige na nga. Salamat sa paghatid. Parang bata ako ah. Hinatid pa sa class room.'
Ginulo ni Gab yung buhok ko.
'Isip bata ka naman e.'
'Grabe ka talaga! Dun ka na nga sa room niyo. Parating na ata yung teacher niyo eh.'
'Bayaan mo yun. Favorite kaya ako ni Ma'am.'
'Yabang. Bahala ka na nga diyan! Bye na nga. Pupunta pa akong Journ Lab.'
'Oo na. Bye.'
Kinuha ko yung notebook ko at yung mga papel ko. Paglabas, di ko maalis sa isip ko yung pusong ginawa ko. Natatakot akong may makapulot nun. Alam kasi ng mga tao dito na hilig kong mag-origami. Kapag nakita nila yung kadramahan ko baka mapagtripan pa ako. Haay...
Pag dating ko sa Journ Lab, lahat ng mga kasama ko nandun na. Late nanaman ako.
'Good morning Ma'am. Sorry I'm late.'
Di ako pinansin ni Ma'am kaya umupo na ako. Meron siguro yun ngayon. Habang naglelesson si Ma'am, lumilipad yung utak ko kung saan saan. Bumalik lang yung utak ko sa mundo nang may kumatok sa pinto.
'Excuse me Ma'am. Is this the journalism class?'
'Yes. And you are?'
'Alexandro Artuz po. New student.'
'Oh yes. Take a seat.'
Ayun! Alex pala yung pangalan nun. Nakita ata ako nung loko kaya tumabi siya sa akin.
'Hi.'
'Hi. New student ka pala.'
'Oo. Kakatransfer ko lang kahapon.'
'Ah okay.'
Pagkatapos ng napakaikling paguusap na iyon, di ko na siya pinansin. Nakinig na ako kay Ma'am kasi baka lalo pa siyang mabadtrip sa akin. Pagkatapos ng klase, dali dali na akong lumabas ng room.
'Uy!'
Paglingon ko, si Alex pala.
'Oh bakit?'
'Alam mo, may nakalimutan kang gawin.'
'Ano?'
'Di mo sinabi sa akin pangalan mo.'
'Ay oonga. Ana. Sige, bye na ah!' Sabay takbo paalis.
'Ana! Huy!'
Late na ako sa next subject namin kaya di na ako nakapagpaalam ng maayos. Pagdating sa room, hingal na hingal na ako.
'Anyare sayo? Para kang nirape?'
'Tumakbo ako galing journ lab. Akala ko late na ako e.'
'Weh. Ba't ang pula ng mukha mo?'
'Natural napagod.'
'Weh. Reasons mo te.''
'Maya na nga ulit. May teacher na tayo.''
Uwian na. Nang palabas na kami ng room, nasalubong namin sila Sam at Gab.
'Uy Taba.'
'Tss. Halika na nga Bea, may nangiinis nanaman.''
'Oy. Biro lang.'
'Che.'
'Weh.' Halika libre namin kayo ni Bea.'
'Hoy Gab wala akong pera.'
'Asus. Dali na.'
'Sige na nga.'
Nakakapagtakaka ah. Bait bigla nito.
'Sige game kami ni Ana.'
Etong si Bea, gusto lang sigurong makasama si Sam. Pagbigyan na nga. Libre naman eh. Hehe.
'Oh dali tara na. Baka magbago isip ko.'
Pinauna ko na sila Bea at Sam. Yun naman gusto nun eh. Lumingon si Bea sa akin at ngumiti ako sabay kindat. Sana di napansin ni Gab.
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Novela JuvenilSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.
