"Nakakapagod kayang maghintay."
Naalala ko yung sinulat kong kadramahan dati sa puso. Yung unang pusong ginawa ko bago magsimula ang magulong taon na ito. Nakakapagod talagang maghintay. Naisip ko tuloy si Alex. Ilang buwan na din niya akong nililigawan. Napapagod na kaya siya?
Hay nako Ana malamang. Kung ikaw nga napapagod maghintay ng ilang minuto lamang eh si Alex buwan ang hintay. Siguro nga tamang panahon na para sagutin ko siya? Ata?
Sa prom. Sa prom ko siya sasagutin. Kaya ko to. Bayaan na yung sign na yun. Gusto ko naman siya e. sabi nga ni Bea, bihira na ang ganung laki ngayon.
At ayun. Dumating na ang araw bago magprom. Di na pinapasok ang Juniors at Seniors dahil rest day daw namin. Kailangan daw namin ng beauty rest. (Ano daw? Haha) Kaya nagpunta na lang kami ni Bea sa Spa. Bihira lang naman ang prom kaya pumayag sila mama.
Nung nasa spa na kami, kinuwento ko na kay Bea yung balak ko.
'Bea.'
''Oh bakit?'
''Sasagutin ko na siya.'
WEH?!'
'Oo. Nakonsyensya mo ako e.'
'Galing ko talaga! Haha.'
'Kailan mo balak?'
'Bukas.'
'Naks. Sa prom talaga ah. OMG te. Kinikilig ako.'
'O kalma lang. Ang puso mo.'
'I'm just so excited for you two! Magpaganda ka ng husto bukas ah. Hahaha.'
'Grabe naman. Talagang kailangan pang ganun?'
'Oo siymepre. Ikwento mo agad ah! Excited na ako!'
'Oo na. Bestfriend kita e.'
Pagkasabi ko sa sakitang bestfriend, naalala ko si Gab.
'Bea, si Gab at Rhea na ba?'
'Hah? Ewan ko. Ang alam ko may crush si Rhea kay Gab.'
'Ah. Baka MU lang sila.'
'Ba't mo natanong?'
'Wala lang. Si Gab kasi di na nagkukuwento e.'
'Bayaan mo yun. Masyado nang busy yun.'
'Okay.'
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Teen FictionSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.
