So lumipas ang mga buwan at mas naging close kami ni Alex. Di ko pa siya sinasagot kasi feeling ko di pa ako handa. Ayos lang naman daw sa kanya. Handa naman daw siyang maghintay. Kumakain kami ni Bea sa canteen ng ibring up nanaman niya yung tungkol sa amin ni Alex.
'Huy Ana.'
'O?'
'Kailan mo ba sasagutin si Alex?'
'Huh? Bakit'
'Tibay mo din e. Ang tagal ka ng nililigawan e. Baka mapagod na yung tao.'
'Hindi naman. Naghihintay lang ako ng tamang panahon. HInihintay ko rin yung sign ko.'
'Hay nako. yan nanamang yang sign mo. Bahala ka nga diyan.'
Yung sign kasi ay nagsimula nung nahilig akong mag-origami. Ipinangako ko sa sarili ko na sasagutin ko lang ang iang lalaki kung alam ko nang gusto ko siya at bibigyan niya ako ng tatlong puting papel na bulaklak. Parang naging fantasy ko na siya. Kaya hanggang di pa yun ginagawa ni Alex, parang di ko pa siya kayang sagutin.
'Halika na nga. Manuod na lang tayo ng basketball sa court.'
'Hah? May laro ba ngayon?'
'Oo. Halika na dali.'
Wow ah. Excited tong babaeng to. Nang malapit na kami sa court napansin kong madaming tao. Mukang may laro nga talaga. Pero ng malapit na ako. Nakita ko si Alex sa gitna, may hawak na bulaklak at kinabahan ako bigla. Tumingin ako kay Bea at tinulak na lang niya ako palapit sa kanya.
Medyo nahihiya ako kasi ang daming tao. Nako, mga chismosa talga tao dito oh. Paglapit ko sa kanya, pumila yung varsity sa likod niya at may hawak na cards. Biglang nagplay yung 'Enchanted' ni Taylor Swift at lumuhod siya. Pagluhod niya, inikot nung mga varsity sa likod niya yung cards at may nakalagay na "Prom?"
Hirap akong magpigil ng kilig at hiya. Ang dami ba naman kasing tao.
'Ana, will you be my promadate?'
'YIEEEEEE'
'YES NA YAN!!'
Grabe naman to. Pressure much?
'Uh. Yes.'
'YIEEEEEEEEE!!!'
Nagsigawan yung team mates niya at binato yung mga cards. Tumayo siya, binigay sa akin yung mga bulaklak at niyakap ako ng mahigpit ko.
Pagyakap niya sa akin, nakita ko si Gab na tumatakbo siya palayo. Gusto ko siyang habulin pero yakap pa rin ako ni Lex.
'Lex?'
'Hmmm?'
'Pwede mo na akong bitawan.'
'Ay! Sorry! Sobrang saya ko lang kasi.'
'Ikaw talaga. Nageffort ka pa.'
'Asus. Para lang sayo. Nagustuhan mo ba?'
'Oo naman. Salamat ah.'
'Haha. Buti naman nagustuhan mo. Halika na, ang daming tao dito.'
'Ikaw kasi eh. Masyadong bongga itong ginawa mo e.'
'Basta para sayo. Tara na?'
'Okay.'
Kinuha niya yung kamay ko at naglakad na kami. Di na kami nagSM kasi kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni mama sa bulaklak na hawak ko.
Paguwi ko ng bahay, tumakbo ako paakyat at salamat sa Diyos, di napansin ni mama. Pagdating sa kuwarto ko, kumuha ako ulit ng puso at nagsulat.
Still waiting for the sign
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Ficção AdolescenteSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.
