Chapter 2

57 3 0
                                    

Ginising ako ng tilaok ng mga manok ni papa sa likuran. Pagtayo ko, naginat ng konti at sabay tingin sa orasan.

'Ay takte! Late na pala!'

Nagmadali na akong maligo at kumain dahil nagcocommute pa ako papuntang school. Pero sa kasamaang palad, di na ako umabot kaya nahold na ako sa gate. Hay. Community service nanaman.

Habang nagaantay sa turn kong magwalis. Kumuha ulit ako ng papel. (sa totoo lang, lagi akong may bitbit na isang pack ng origami paper. hehe) Tupi dito, tupi doon. May isa na ulit akong pusong papel. Nagsulat ulit ako.

Sana di na ito maulit. Ayokong mapagod.

Ayun. Kadramahan nanaman. Haha. Binulsa ko yung puso at tinawag na ako ni Ma'am para magwalis sa may garden. Dahil isa ako sa mga huling tinawag, wala na akong halos nawalis. Nung di tumitingin si Ma'am, kinuha ko yung phone ko sa bulsa at sinilip yung phone ko.

Nung pinabalik na kami, natalisod ako sa may bato.

'Aray!'

'Uy. Okay ka lang?'

Ano ba yan. May nakakita pa sa akin. Malas naman oh. Nakakahiya.

'Sa tingin mo? Natalisod nga ako diba?'

'Wow ah. Concerned lang naman ako.'

'Sorry. Masakit kasi e.'

'Halika, itatayo kita tapos ipagpag mo yang paa mo.'

'Sige. Aray!'

'Oh ayan. Kaya mo nang ilakad?'

'Oo. Salamat ah... Uhm....'

'Alex nga pala.'

'Salamat Alex.'

Ngayon ko lang nakita si Alex. Matangkad, katamtaman ang katawan at medyo singkit ang mata. Ngumiti siya.

'Hoy kayong dalawa diyan! Kanina ko pa kayo tinatawag ah. Mamayang uwian na kayo magdate.'

Naramdaman kong uminit yung mukha ko. Akay-akay pa pala ako ni Alex. Nako. Si Ma'am gumagawa pa ng isyu.

'Natalisod po kasi siya Ma'am.'

'Ah. Okay ka na ba anak?'

'Opo Ma'am.'

'Sige. Punta na kayo sa room niyo. Baka pati sa second period niyo malate na kayo.'

Kinuha ko yung bag ko sa guard house at nagmadaling pumunta sa room. Buti pagdating ko wala pa si Sir. Umupo na ako sa tabi ni Bea.

'Uy Ana. Late ka nanaman.'

'Ay hinde. Maaga lang ako para bukas.'

'Problema mo?'

'Natalisod kasi ako kanina. Tapos may nakakita pa sa akin kaninang lalaki.'

'Oh? Yieee. Sinoooo?'

Ano ba ulit pangalan nun?

'Nakalimutan ko pangalan niya eh.'

'Nagagaya ka na sa akin ah. Makakalimutin.'

'Grabe naman.'

Pagdating ni sir, tumigil na kamis sa paguusap at nakinig na lang sa boring niyang lesson.

The Paper Hearts ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon