Graduation practices.
Isang linggo na lang at graduate na kami sa wakas. Lumabas na rin yung results ng mga college entrance tests. Sadly, di kami pareho ng campus na pinasahan ni Alex.
Pero sabi ni Alex okay lang naman daw sa kanya. Gagawin na lang daw niyang masaya yung panahon na magkasama kami. Madali lang naman daw magbisitahan sa kanya kanyang campus. Sabi niya nga, “We’ll find ways.” Parang BDO lang daw. Ang corny din nun e.
Kaya buong linggo naging sweet si Alex sa akin.
Buong linggo ko ring iniwasan si Gab. Di ko pa nga alam kung saan siya magaaral e. Ewan ko ba. Naiinis ako sa kanya. Ang gulo ko diba?
Tuwing makakasalubong ko siya, lilihis ako ng daan. Tuwing makikita ko siyang tumatambay sa may umbrella trees, sa garden na lang ako pumupunta. Di na rin ako naglalakad pauwi para di ko madaanan yung bench.
Buong linggong ganun.
Tapos, graduation day. Ang bilis ng kwento no?
Nagmartsa na kami. Binigyan ng diploma tapos may mga mahahabang speeches pa mula sa mga pulitiko. Siyempre may konting iyakan. Magkakahiwalay na kami e. Super close pa naman ng batch namin.
After nung grad, nagulat ako sa ginawa ni Alex. Lumapit siya sa parents ko at nagpakilala. Kinabahan nga ako e.
‘Magandang gabi po. Ako po si Alex. Boyfriend ni Ana.’
‘Boyfriend kamo ?’
Nako. Si daddy, wag naman sana niyang sakalin si Alex.
‘Opo.’
Siyempre si mama to the rescue.
‘Ana, ba’t ngayon mo lang siya pinakilala.’
‘Ah kasi..’
‘Sorry po di na po ako nagpaalam bago po maging kami. Pero pangako po, mahal ko po si Ana.’
Tapos hinawakan niya yung kamay ko.
‘Pangako yan ah. Lagot ka sa akin kapag sinaktan mo yung anak ko.’
Nako si daddy talaga.
‘Opo. Pangako po.’
At ayun. Legal na kami. Ang galling din neto e.
‘Ah mi, di. Kausapin ko lang po si Lex sandali.’
‘Sige. Sa kotse na kami mag-aantay.’
Tapos ayun. Nagulat ako. Napakalma niya yung magulang ko.
‘Ayos ba ?’
‘Ikaw talaga ! Di mo man lang ako sinabihan na magpapakilala ka ngayon.’
‘Sorry ah.’
‘Ayos lang. At least, legal na tayo.’
‘Galing ng boyfriend mo no?’
Hanggang ngayon parang di pa rin ako sanay na ganun tawag sa kanya.
Nagpaalam na ako sa kanya at umuwi na.
BINABASA MO ANG
The Paper Hearts Project
Novela JuvenilSimpleng babae na may simpleng pampalipas oras. Naging komplikado na lang lahat nang dahil sa dalawang lalaki.