Chapter 10

13.5K 436 29
                                    

"I-I'm not greedy for your kisses!" Asik niya para itago ang pamumula.

Umangat ang sulok ng labi ng binata. May kislap ng pagkaaliw ang mukha nito.

"Talaga ba, Señorita? Bakit gusto mo akong halikan kagabi?" Tukso nito.

"Elias, stop teasing me! Hahalikan kita, sige!" Banta niya.

Mas lalo lang lumawak ang pagkakangisi nito.

"That doesn't sound like a threat to me, Señorita."

Sinamaan niya lang ito ng tingin.

Hakob sighed and offer his hand to her.

"Let's go, Señorita. It's seven thirty already, kakain na tayo ng umagahan."

She sighed in defeat and accepted his hand. Gutom na rin siya at gusto na niyang kumain.

Nagtataka siya ng muli siya nitong hinila papasok sa palengke, akala niya kasi sa labas na sila kakain

Malayo-layo rin ang nilakad nila hanggang sa marating nila ang dulo ng sa may exit banda. May nakahilerang mga karinderya pala doon.

"We're going to eat here?" Tanong niya.

"Oo. Ayaw mo ba? Pwede naman tayo sa----"

"No! It's fine. I wanna try eating in a karenderya, too." Pigil niya sa binata at siya na mismo ang humila dito papasok.

"Ako na mag-oorder, upo ka lang diyan." Sabi ni Hakob at iniwan siya sa may pandalawang mesa.

Napaupo siya doon at hinintay ang binata. Habang naghihintay ay nilibot niya ang tingin sa paligid.

"Girlfriend ni Hakob?"

"Akala ko ba nililigawan ni Hakob si Nikki?"

"Baka naman maling balita ang pinagkalat ni Nikki?"

Muli siyang napasimangot ng marinig ang pag-uusap ng mga dalagita sa gilid niya. Mukhang mas bata sa kanya ng dalawang taon ang mga ito, ganoon rin siguro si Nikki.

"Mas bagay si Hakob at Nikki." Komento pa ng isa.

Napairap siya.

Lumingon siya sa direksyon ng mga ito na kanya-kanya namang iwas ng tingin.

Muli siyang napairap.

Nang dumating na ang binata at muling bumalik ang ngiti niya. May nilapag itong mga ulam na hindi pamilyar sa kanya.

"What are those?" Tanong niya sa ulam na binili nito.

"Tortang talong, Kinilaw at Goto." Sagot nito.

"Hilaw ata 'yan?" Sabay turo sa Kinilaw at Goto.

Hakob Elias chuckled and mess her hair.

"Hilaw talaga 'yan. Pero naluluto naman siya kasi binababad yan sa suka at iba pang rekados. Try it."

Kahit nag-aalangan ay tinikman niya ang isda na tinanggalan ng buto at pinagsabay niya ang Goto. When it hits her tongue, it taste sour and salty but delicious. Lalo niya ng ngumuya siya ay parang pumuputok sa bibig niya ang Goto.

"It's so masarap! I love it, thank you, Elias." She beamed happily and started eating.

Napangiti na lang ang kaharap at napailing saka sinabayan siya sa pagkain.

"Elias, do you want me to subo you?" Paglalambing niya sa binata ng mapansing nakatitig sa kanila ang kababaehan sa kabilang mesa.

"Focus on your food, Señorita." Striktong utos ng binata.

Smitten To A Benjamin (4th Gen #16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon