Chapter 43

13.8K 430 12
                                    


"Daddy, si Hakob...my boyfriend." Pagpapakilala niya sa binata ng ihatid siya ng binata sa bahay nila.

Hindi niya maipagkakailang kinakabahan siya. Paano kapag tutulan sila at paghiwalayin?

"Soon-to-be husband." Pagkokorekta ni Hakob.

Namula naman siya sa sinabi nito at nahiya kaya palihim niya itong kinurot sa bewang.

Tumikwas ang isang kilay ng Daddy niya at pinasadahan ng tingin si Hakob.

"That fast? Hindi pa nga kayo isang linggo nagkasama ulit. Tatlong araw lang and bumigay ka na?" Baling sa kanya ng ama.

Pinamulahan siya sa sinabi nito. Kapag pinaliit niya ang sinabi ng ama ay magiging, nagmarupok ka na naman?

"D-dad..." Namumulang saway niya.

Her father sighed and look at Hakob with a threat.

"The next time you hurt my daughter, I'll kill you even if you're a Benjamin." Mapanganib na banta ng Daddy niya.

"Dad!"

But Hakob seemed unbothered, hindi man lang natakot sa banta.

"No need, Sir. I'll kil myself if that happens." Seryosong sagot ng binata.

Urgh. Hindi niya napigilang paikutan ng mata. She's enough of that killing, muntik na nga silang namatay 3 days ago tapos patay-patay na naman ang pag-usapan nila.

"Masyadong mabulaklakin ang iyong bibig, bata. Siguraduin mo lang talaga."

"I never broke my words, Sir." 

Her father just sighed and shook his head. Dumapo ang tingin nito sa magkahugpong na kamay nila ni Hakob at sa singsing sa kanyang daliri.

Her father tsked. "Benjamin talaga."

Binuksan nito ng malawak ang pinto at pinapasok silang dalawa. She saw her mother descending on the stairs and smiled when she saw her. Kumislap ang mata nito ng mapanukso ng makitang magkahugpong ang kamay nila ni Hakob.

Bumahing ang ina sa panyo nito, mukhang may sipon ang ina.

"Sorry, about that. Naligo kasi kami ng Daddy mo sa ulan kaya sinipon ako." Paumanhin ng ina at medyo nagbago nga ang boses dahil sa sipon nito. Ganoon rin siya kapag sinisipon.
"Oh, did you just told me last week that you don't want to see him?" Panunukso ng ina habang may ngiti sa labi.

Uminit ang pisngi niya saka bumaling sa binatang matiim na nakatitig sa kanya.

"What?" Sita niya.

"You don't wanna see me, huh?" He asked with a bit of tantrums on his voice.

"Because I hate you but now I love you back, I don't want you out of my sight." Prankang saad niya.

Hakob sighed and rest his forehead on her shoulder. Nagtaka siya kung bakit naging ganoon bigla ang binata, mukhang biglang nanghina kaya kinabahan siya baka napaano na ito.

"Hakob, are you okay---"

"Kinikilig lang 'yan, Cyra." Naiiling na wika ng ama.

"Oh, what a smitten Benjamin." Nakangiting gatong ng ina niya.

Napailing na lang siya at hinila ang binata paupo sa sofa sa may tapat ng ama niya. Akmang uupo siya sa tabi nito ng magsalita ang Daddy Cyrus niya.

"Go to your Mom in the kitchen, may pag-uusapan lang kami ni Hakob." Seryosong saad ng ama na ikinatigil niya.

Hakob squeezed her hand before letting it go.

Smitten To A Benjamin (4th Gen #16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon