Chapter 37

14.3K 427 35
                                    

"Marry me or date me?"

Napairap na lamang siya habang kumakain ng fishball. She missed eating this. Upon tasting it, she had recalled way back then on how she kulit Hakob just to be her tour guide, even paid for him to be with her and now? He's blackmailing her to be with him.

"Do you want kwek-kwek, Señorita?" Tanong ng binata na maaliwalas ang mukha.

He looks happy and carefree. Bagay na naalala niya kay Elias kahit sobrang sungit nito dati. Pinagtitinginan pa sila ng mga tao dahil nakapormal sila na kasuotan. They're like run away bride and groom ditching for their wedding.

Namula siya sa naisip. Ano ba 'tong naiisip niya?

"What's kwek-kwek nga ulit?" Tanong niya.

That sounds familiar, nakain na niya iyon dati. Nakalimutan niya lang talaga alin doon sa nakain niya ang kwek-kwek.

"Orange balls." Hakob hinted.

Her eyes widen and her mouth form 'o'.

"Oh, the cursed food said by Kuya Hinx, right?"

Tumango si Hakob.

So, totoo talagang may sumpa sa kwek-kwek? Kasi naghiwalay sila ng jowa ni Kuya Hinx habang sila naman ni Hakob ay nagkalabuan.

"I guess the sumpa is true." Sabi niya.

Hakob shrugged.

"I guess not. Kita mo naman, magkasama pa rin tayo ngayon." Hakob said with a smile.

Napairap siya nito at sinawsaw ang fishball sa may sawsawan.

"It's because you blackmailed me." Pagtataray niya.

"Wala naman sa mukha mo ang napilitan, Señorita. Tuwang-tuwa ka nga na magkasama tayo."

Agad na umusok ang pisngi niya. Inis na tinadyakan niya ito sa paa ng mahina. He's so imbento! Mukha ba siyang masaya, ha? Halata ba masyado? Sinubukan naman niyang i-hide.

Hakob chuckled on her reaction. Sarap na sarap na tuksuhin siya. Napairap siya muli dito.

"Saan mo gustong pumunta pa, Señorita?" Hakob asked when they finished eating fishball and kwekwek and they're on their way to his car.

"I wanna go home." Sagot niya.

"You mean, you want us to get married?"

Argh! Oo nga pala. It's date or marry.

"Tapos na tayong nagdate kanina, ah! Sapat na 'yon." Reklamo niya.

"Should we go to my cabin?" He asked instead ignoring her protest.

"Sige---I mean, fine! Napilitan lang ako, ha." Pagtataray pa niya saka muling pumasok sa kotse nito.

Natulog siya sa biyahe dahil takot siyang makipag-usap dito. She's afraid that she might lose her control and fall for him all over again.

Ginising siya ng binata ng makarating na sila. Lumabas siya ng kotse at napatingin siya sa gubat na susuungin nila.

She blushed when she remembered how they first shared a kiss in the middle of the forest. N'ong nauntog siya dati tapos ang landi-landi ni Hakob dahil hinalikan siya sa labi!

Tahimik lang silang tinatahak ang daan. Siya ay hindi makapagsalita dahil nakikita na niya ang puno na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Ito 'yong puno na nauntog siya dati. Tapos kiniss sa binata ang kanyang noo tsaka ang lips niya.

"Señorita, baka mabangga ka." Paalala ni Hakob dahil mukhang wala siya sa sarili.

But she can't clearly hear his voice because she's busy thinking about the warmth of his lips and the way he kissed her----

Smitten To A Benjamin (4th Gen #16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon