Chapter 40

16.9K 449 13
                                        


"Hey..."

Dahan-dahan siyang napadilat ng mata at bumungad sa kanya ang mukha ng binata. She groaned and tried to get up, agad naman siyang inalalayan nito.

"What are you feeling? May masakit ba sa 'yo?" He asked gently as he placed the back of his pala on her forehead.

Mahina siyang umiling. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding ng cabin nito at napamura ng makita ang oras. Hindi ka naman siya nakapagpaalam sa magulang niya. Baka nag-aalala na ang mga 'yon.

"I have to go home." Histerya niya at bumangon sa kama pero napangiwi ng maramdaman ang hapdi sa kanyang pagkababae.

"Don't panic. I already called your parents that you're safe." Pagpapakalma ng binata.

She sighed in relief. She's afraid to go home baka kurutin lang siya sa singit. Plus, her parents might wondering why she's not wearing the dress. Hakob ruined it, so he have to dreds her up by his clothes.

They ate breakfast. Wala munang bangayan, she still can't recover from what they did yesterday. Kung hindi lang siya pagod na pagod kagabi ay baka naulit na naman.

Naligo siya sa banyo nito. Paglabas niya ay may damit na pambabae na ang nakahanda, hindi niya alam kung saan nakuha ng binata pero ang importante ay may damit na siya.

"Do you wanna go home?" Hakob asked

Tahimik lang silang umalis sa gubat. Naroon ang kotse ni Hakob sa gilid ng kalsada.

Hakob opened the door for her when suddenly a loud gunshot can be heard and followed by Hakob's loud cussed.

"Fuck!"

Agad siyang napalingon sa binata at namutla ng makita ang dugo sa braso nito.

"E-Elias!" She called in horror.

Agad siyang hinila ni Hakob patakbo pabalik sa gubat dahil sa sunod-sunod na putol ng baril. Napatili siya at napakapit ng mahigpit sa kamay ng binatang nakahawak sa kanya.

"Hakob!" Naiiyak na tawag niya habang tumatakbo pa rin sila.

"Run fast, baby. They're chasing us." Hakob said.

Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo pero muntik ng mabuwal dahil sa sobrang lapit na ng bala ng baril na muntik ng tumama sa gilid ng kanyang mukha.

"Damn!" Galit na mura ng binata at biglang may pinulot ito sa ilalim ng maraming patay na dahon mala0it sa isang puno.

It's a gun.

Sunod-sunod na pinagbabaril ng binata ang sumunod sa kanila habang itinago naman siya nito sa isang malaking puno. Napatakip siya ng tenga sa lakas ng tunog ng baril. Mabilis ang kanyang paghinga at naiiyak na sa takot.

She have never encountered this kind of life and death situation. Parang isang pagkakamali ay babawian sila ng buhay ni Hakob.

Isang malakas na pagsabog ang narinig niya. Kasunod n'on ang biglaang pagkarga sa kanya ng binata sa balikat nito at tumakbo.

How can he still be able to carry her even he's wounded on the other arm? He's that strong?

"We're safe. The Benjamins are here." Hakob huffed and hurriedly get inside the cabin and locked it.

It's the safest place right now. Hakob assured her that the windows are bullet proof, matibay rin ang pagkagawa ng cabin kaya napanatag siya doon.

Binaba siya ng binata kaya agad niyang sinipat ang braso nito. Daplis lang ang natamo nito kaya walang bala ang nakabaon doon pero mukhang malalim na daplis. Marami na ring dugo ang lumabas sa braso nito.

"H-hakob.." Naiiyak na tawag niya.

Hakob caress her hair and give her assuring smile.

"Hindi pa ako mamamatay, Señiorita. Papakasalan pa kita." Nakangiting saad nito.

Inis niyang hinampas ito sa balikat dahil nadaplisan na nga may oras pang bumanat!

"Aw!" Ngiwi ng binata ng mahampas niya ito malapit sa sugat nito.

"Sorry! Sorry!" Agad na paumanhin niya at nakonsensya.

She guide him to sit on a chair. Agad siyang naghanap ng medicine cabinet at nakita naman niya iyon sa banyo.

She cleaned his wound first before putting the bandage. Hindi pa rin maiwasan ang grabeng kaba niya kaya habang nililinisan niya ito ay umiiyak siya.

Hakob groaned when he can't wipe her tears with just his one hand because her tears keeps on falling.

"I'm not going to die, Chim. Stop crying." Pagpapakalma nito.

Humikbi lang siya at sinamaan ito ng tingin.

"Bakit ka kasi nagpabaril?!" Inis na bulyaw niya.

Hakob chuckled and wipe the tears that fall on her cheeks. Aliw na aliw ito sa kanya habang siya ay hindi maalis-alis ang kaba. Na para bang siya pa ang nabaril kumpara dito.

"So, it's my fault now?" Tanong nito na may pinipigilang tawa.

"Oo! Bakit Benjamin ka pa kasi." Reklamo niya.

Kaaway siguro ng Benjamin ang kanina? Or the was it the Cali? Any of the two, kaaway pa rin ng Benjamin ang mga 'yon.

"Mas gusto mo ba na Betlogan na lang ako?" Tanong pa nito na hindi na mapigilan ang ngisi.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Yes! I would rather choose Elias Betlogan." Ingos niya.

"Hmm. Cyra Chimera Ferdinand- Betlogan? You want that instead?"

Mas lalo niya itong sinamaan ng tingin. Nakakainis at mukhang naaliw pa ito sa kanya ngayon na para bang hindi sila hinahabol ng nakamamatay na bala kanina!

"Diyan ka na nga!" Inis na pagdadabog niya at iniwan ito pero ang totoo ay tapos na talaga siyang gamutin ito.

Tinalikuran niya ito pero agad siyang nakarinig ng pagdaing ng binata.

"Ouch, Chim! Masakit..." He groaned.

Agad siyang napalingon dito at nilapitan ito.

"Saang banda?" Nag-aalalang tanong niya at sinipat ang nakabandage nitong sugat kung nagdurugo pa ba ng marami.

Ngumuso ang binata.

"Dito sa lips ko. Pa-kiss naman, Señorita."

Ang pag-aalala sa mata ay napalitan ng talim. Mahina niyang sinambunutan ito.

"Puro ka talaga kalokohan, Hakob!" Nanggigigil na anas niya.

Napasinghap siya ng yakapin ng binata ang bewang niya gamit ang isang braso nito at napagitnaan siya sa magkabilang hita nito. Napalunok siya sa posisyon nila lalo pa't magkalebel lang ang dibdib niya at ang mukha ng binata pero nakatingala naman ito sa kanya.

"Alam mo ba kung anong mabisang gamot ng mga Benjamin kapag may sugat sila?" Hakob asked.

Napalunok siya, apektado sa posisyon nila.

"A-ano?"

"Halik, Señorita. Halik ang mabisang gamot para sa sugat ko, kaya halikan mo 'ko."

"K-kalokohan!" Namumulang saad niya at sinubukang nagpumiglas pero humigpit ang yakap nito. Sinamaan na lang niya ito ng tingin.

"Mas tatagal tayong mananatili dito hanggang sa gumaling 'tong sugat ko, Chim. Kaya kung gusto mong gumaling agad ako, halikan mo 'ko."

"Hakob naman, eh!" Her voice curled at the end.

Ang rupok naman, eh! Her mind echoes.

Hakob puckered his lips.

"Heal me, Chim. Kiss me."

She sighed and lean to kiss Hakob's lips. Naramdaman niya ang pagngiti nito. Nagpa-uto na naman siya dito.

Smitten To A Benjamin (4th Gen #16)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon