Fairytale Throwback

53 4 0
                                    

Third Person's POV

One upon a time, there was a very beautiful castle. A king and a queen lived peacefully there, together with their two faithful servants. One male and the other, female...

Okay naman na ang lahat. Eveything is okay until the male servant, the faithful and trusted one, made a scheme that will affect the beautiful baby princess and the handsome baby servant kapag lumaki at nagkaisip na sila.

Para maging malinaw ang lahat ay hayaan nyong himayin natin ang detalye ng bawat pamilya.

Apat na tao, dalawang lalaki at dalawang babae. Hindi sila nagkakalayo ng katayuan sa buhay. Lahat sila ay matalik na magkakaibigan.

"Aurora, halika. Ipapakilala kita sa dalawang lalaki na tumulong sa akin ng tangkang may mananakit sa akin kanina sa bayan. " - sambit ng kaibigan nitong babae habang hila hila siya sa kamay patungo sa may sala ng palasyo kung saan naghihintay ang dalawang binata.

"Ariel, magdahan-dahan ka nga at hindi patag ang dinadaanan natin. Hagdanan ito, hagdanan. " - saway nya sa matalik na kaibigan.

She saw how her bestfriend rolled her eyes at her. Pipilosopohin na naman sya nito porket nakikita nya naman at di sya bulag. Kesyo ganito kesyo ganyan. At hindi nga sya nagkamali sa naging sagot nito sa kanya.

"Alam ko. Hindi ako bulag, Aurora. Alam kong hagdan ito at nakapag-aral ako. " - pilosopong tugon nito sa kanya na ikinaikot ng mata nya. Huli naman ng kaibigan ang ginawa at pinabayaan na lamang.

Ilang sandali pa at nasa sala na sila. Akala nya ay hindi na matatapos pa ang hagdanan sa akala mo ay taon nilang paglalakbay at pagbaba mula doon. Grand staircase, my butt. Bulong nito sa isip.

"Magandang araw, mga binibini" - basag ng dalawang baritonong boses sa kanyang mga iniisip. At pagharap nya ay hindi nya maiwasang mapasinghap sa gwapo ng mga ito pero isa lang ang nakakuha ng atensyon nya. Ang lalaking may pares na abo ang mata.

Nakatitig din ito sa kanya. May kung anong emosyon ang dumaan sa maamo nitong mukha. Naputol lamang ang pagtititigan nila ng umubo ng sabay ang kasama nito at ang kanyang matalik na kaibigang si Ariel.

"Tinatanong ni Leighton kung gusto daw ba nating sumama sa kanilang mangabayo?" - tanong nito sa matalikna kaibigan.

She blushed crimson red at the question because something registered in her mind differently. Green, yes. Blame it on her parents for being noisy that night. Mangangabayo.

Tila naguluhan naman ang tatlo sa reaksyon nito at biglang namula. Nag-alala ang mga ito ng tumahimik at patuloy pa din and pamumula ng buong mukha. Hindi na naiwasang lumapit ni Reuel, ang lalaking may pares na abong mata. Hinawakan nya ang noo ngbdalaga at sa hindi malamang dahilan ay napaso sya sa init na dulot ng paghawak nya dito. Pero wala naman itong lagnat. Biglanga nag-angat ito ng tingin dahil sa pagkagulat.

"Tinitignan ko kung ayos ka lang. Namumula ka kasi. Kaya mo bang sumama sa amin? " - alala pa din na tanong ni Reuel dito na parang robot na tumango. Senyales na sasama ito. Ngumiti si Reuel sa hindi malaman na dahilan ganun din ang dalaga. Parang mga dyamante ang kulay berde nitong mga mata dahil sa pag-ngiting ginawa.

Hindi nila alam na pinagmamasdan lamang pala sila ng dalawa. Si Ariel ay mukhang masaya sa kaibigan. Pero si Leighton ay may nakapskil na ngiting mapait sa geapong mukha.

Simula ng araw na iyon ay naging malapit na ang apat sa isa't isa. Hindi lang pagkakaibigan ang nabuo kundi pati relasyon ay umusbong. Ang mga puso nila'y nagalapit.

May magkasintahang masaya at ang isang pares naman'y may tunay na nagpapakatanga at may hindi masaya.

Ilang taon na din ang lumipas hanggang sa magbunga ang pagsasama nila Reuel at Aurora ng isang magandang babae, si Amber. Sila Leighton at Ariel naman ay nagkaroon ng anak na hindi makakailang na gwapo, si Ashton.

Sa kabila ng perfect picture ng bawat pamilyang ito lies a very dangerous scheme na napagplanuhan na ng sobrang tagal.

Isang asawang matagal ng mahal ang kasal na sa matalik nitong kaibigan. Isang kabiyak na matagal ng nagtitiis sa sakit na nararamdaman. At dalawang taong masaya nga pero nabubuhay naman sa kasinungalingan. Ano na kayang mangyayari sa dalawang taong tampulan ng mga kaganapan? Ang dalawang taong napagbalingan ng kasalanan ng nakaraan?

"If putting lies to these already messed up life of me would make you love me, then so be it. " - The man who can't be moved.

****

Eto yung pinaka background ng story nila Ashton at Amber.

Patuloy nyo pa din silang suportahan. Sorry, super busy lang talaga sa work.

Short UD but I hope you like it.

:)

143rd JERK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon