RUNAWAY

232 14 1
                                    

A/N: Unedited. Mobile Watty.

---xx

Ashton's POV

Nasa University na ako ngayon. Palinga linga ako at baka makasalubong ko siya. I wanna say sorry pero galit din ako. Kahit mahal ko pa siya, hindi ko mapapatwad ang mama niya dahil sa kanya, nasira ang pamilya ko.

Simula ng araw na yun, hindi na ako naniwala sa love, destiny and fate.

Simula ng araw na yun, kinamuhian ko na siya.

Simula ng araw na yun, kinalimutan kong mahal ko siya.

Dun na naging magulo ang lahat. Dun na kami nagbago.

Hindi ko na siya madalas makita sa school. Yun pala, lumipat na siya sa ibang university. Umalis siya pero ngayon, nagbabalik na siya kasama ng masasakit na alaala na pilit kong ibinabaon sa limot.

Wala naman na dapat akong pakialam eh. But when you start to care for a person, you will still care for them kahit nasaktan ka na nila.

When you learn to love a person, hindi ka naman humihinto ng pagmamahal sa kanila. You just learn to live without them. Nasasanay ka na lang.

Naalala ko tuloy yung araw na yun. Yung araw na ako na mismo ang pumutol at tumapos ng lahat.

REWIND

"Friendship Over, Rox. Simula ngayon, hindi na tayo magkakilala dahil nadidiri na ako sa'yo." --- matigas kong sabi kahit pinipigilan kong yakapin siya ngayong nakikita ko siyang umiiyak at nasasaktan ng dahil sa akin.

"Bakit Lou? Kasalanan ba ko ba kung mangyari ang lahat ng ito?" --- humihikbing bulong niya. Ipinikit ko ang mata ko saka iminulat ito at tumingin sa kanya.

"Oo. Dahil tuwing nakikita kita, nasasaktan ako. Tuwing ngingiti ka, nalulungkot ako at tuwing tatawa ka, alam kong buo ang pamilya ko habang ako at si mama nadudurog dahil inagaw ng malandi mong nanay ang ama ko!" --- puno ng hinanakit kong sigaw sa kanya. Sinampal niya ako. At ang mga huling salitang binitawan niya ang parang nagsasabi sa aking bawiin ko lahat.

"Ashton Louis Mellark, Mahal na mahal kita pero sinayang mo. Hindi mo binuksan ang isip at puso mo. Pinairal mo yang galit mo. Sa tingi. mo ba ikaw lang ang nahihirapan sa sitwasyon natin? Ikaw lang ang nasasaktan at humihiling na sana iba na lang? Because the way I see it, nagpalamon ka na sa demonyo mo. Have you ever felt na sana hindi na lang tayo yung makaranas ng ganito?! Kasi ngayong araw na dapat kita sasagutin ng OO pero pinili mong saktan ako. Tandaan mo ito, wala ka ng babalikang Amber Rox Everdeen kapag nagsimula ka ng manghinayang." --- at nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin. Palayo sa taong nanakit sa kanya.

**

Hindi ko namalayan na may pumatak ng luha sa mata ko. Agad ko itong pinunasan.

Ang sakit. Kasalanan ko lahat pero hindi ko kayang tanggapin siya nun kung alam kong mama niya ang dahilan kung bakit miserable at mommy ko ngayon.

Pero tangina lang, kung may anong nabubuhya sa puso ko oag nakikita ko siya.

Parang may kung anong saya ngayong nandito na siya.

Pero agad din itong naglaho ng makit ko siya hindi kalayuan sa pwesto ko na may kayakap ng iba.

---xx

Vote, Comment and be a Fan. ;) Thank you!

Hays. Nilipad na yung isang bubong namin ;( Inga kayo diyan. #GlendaPH

God bless :*

Follow me on Twitter:

@MissKeemist

143rd JERK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon