DEBATE

113 8 0
                                    

Ashton's POV

Ano ba naman itong napasukan kong kalokohan? Kasalanan ito ng boyfriend ni Rox eh. Tss. Boyfriend daw. Pwe! Parang mas malambot pa sa kanya yung lalaking yun eh. Lalaki nga ba? Tsaka, ano yung mga challenges na yun? Bakit yung Romeo lang na yun ang magde-desisyon? Makapagtanong naman ako, huli na naman ang lahat, naka-Oo na ako. Aish. Bahala na nga.

I'm on my way now to the university and I am currently changing channels to find a good music. Parang biglang gusto kong makarinig ng OPM Hits kasi halos dominated na tayo ng foreign songs.

Then this song hit me. Big time.

♪Nagtatanong ang isip
Di raw maintindihan
Kung anong nararamdaman
Dapat mong malaman
Sa puso ko'y ikaw lamang
Ang nag-iisang
Pangangamba (Dapat bang isipin?)
Walang hanggan (Asahan mo na)

Dati, alam kong hindi ko na siya mamahalin pa dahil nga lumayo na siya. Ang alam ko kapag ginugol mo ang oras mo sa ibang bagay ay makakalimutan mo na ng nararamdaman mo para sa kanya.

Makakalimutan ko ngang mahal ko siya pero hindi ko maiaalis yung pagmamahal na yun. Hindi nawala. Tanging paglimot lamang na may nararamdaman ako pero hindi ko natanggal sa puso ko.

Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan (Kahit kailan)

Bulong ng yong damdamin
Pag-ibig na walang hanggan
Ang siyang nais mong makamtan
Ngayon ay narito ako
Handang umibig sa iyo
Na walang katapusan
Pangangamba (Dapat bang isipin?)
Walang hanggan (Asahan mo na)

Dapat ko pa bang isipin ang iba? Ang mga masasaktan namin kung sa kanya lang naman ako sasaya. Handa akong ibaba ang pride ko basta bumalik lang siya. Handa akong masaktan ng paulit-ulit basta maging akin ulit siya dahil una palang, markado ko na siya.

Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan (Kahit kailan)

Kung ikaw ay mawala
Sa piling ko
Di na alam kung kakayanin
Pa kayang umibig pang muli
Kahit na ano pang mangyayari
Di maaring ipagpalit
Sasamahan pa kita
hanggang sa huli

Hangga't kaya kong tiisin ang sakit at selos sa nadarama ko tuwing magkasama kayo, gagawin at titiisin ko. Hindi ako papayag na maging nag-iisa mo lamang. Ang gusto ko, ako din ang huli mong kahahantungan.

Kahit kailan
Di kita iiwan
Kahit kailan
Di kita pababayaan
Kahit kailan
Hindi magbabago
Kahit kailan (Kahit kailan) ♪

Hanggang sa makarating ako sa campus ay on replay pa rin ang kantang iyon sa aking isipan.

Napahinto lamang ang matiwasay kong pagmumuni-muni ng makita ko ang kumpol ng tao sa may stage. Nilapitan ko iyon at laking gulat ko ng makita ko ang malaking larawan ng gwapo kong mukha at ang mukha ng Romeo na iyon. Isa yung score board para sa tatlong challenges na gagawin namin.

Napalunok ako ng makita ko ang salitang Debate sa first duel. Ano bang tatalakayin namin? Psh. Kalokohan na naman ito dahil nakita ko ang aking pinsan na sa tingin ko ay ang emcee ng debate na magaganap sa pagitan namin ng kasintahan ni Rox.

"At last, dumating na rin ang matagal na nating hinihintay na panauhing pandangal. Mr. Mellark, baka gusto mo ng umakyat dito sa ating entablado para masimulan ang palatuntunang inaabangan ng mga estudyante." --- mahabang litanya ng pinsan kong mukhang nag-e-enjoy sa ginagawa niya at ngayon ko lang napansin na naka-barong pala siya, kaya siguro matatas siyang magtagalog. Napailing  a lang ako at nasabi sa utak na 'my middle finger salutes you, couz' at umakyat sa sa stage.

Hindi nagtagal ay dumating na si Romeo at humalik muna ito sa pisngi ni Rox bago pumunta sa designated seat niya. Parang gusto kong bumuga ng apoy, yung mala-ball of fire para damang dama di lang ang nag-aalab kong galit pati na rin ang sakit.

Babawiin kita, Rox. Just wait.

"This debate is a battle between Lifetime and Forever. We'll just toss a coin and whatever you choose corresponds to a category. You'll need to defend no matter what side is given to you due to coin tossing. Now, who's going to choose head and who's going to choose tail?" --- mahabang litanya na naman ng pinsan ko. At grabe, change costume? Naka-amerikana pa siya ha. Kaya pala todo english siya. Ano ba naman 'to. Mga may sapak eh.

"I'll choose tail" --- I declared.

"Then I have no other choice but to choose head." --- inosenteng pahayag ni Romeo na nagpakairita sa akin dahil sa hangin niya.

"Okay. Head is for Forever and tail is for lifetime. The coin tossing will tell us who will go first. *tosses coin* Una kang magde-depensa, Ash." --- taglish na announce ni couz at muntik na akong matumba ng makitang hati pala ang costume niya. Ang kaliwang bahagi ay barong at ang kanang bahagi naman ay amerikana. What the?! Doble Kara lang ang karakter niya. Hindi na ako magtataka kung maging ka-pederasyon siya ni Rox.

"Umpisahan na." --- anunsyo ulit niya. "Saglit, walang time limit. Basta wag lang lalampas ng tatlong minuto kada depensa." --- dugtong niya pa. Wala daw time limit pero wag lalampas ng tatlong minuto. Ayos din 'to ah.

-.-

"Lifetime. Naniniwala ako sa salitang ito dahil hindi naman tayo forever mabubuhay. Mamamatay at mamamatay tayo. Ibig sabihin, hindi lahat nananatili. May natatapos." --- unang paliwanag ko.

"Kung ganon, bakit may salita pang forever? Lalo na kung wala naman palang nagtatagal. Kung lahat naman pala may katapusan, bakit may kahulugan pa rin ang salitang ito?" --- sagot naman ni Romeo na nakapagpahiyaw sa mga manonood. Pati ako napaisip pero hindi ako pwedeng magpatalo. Ang dami ng nalilinlag ng katagang iyon.

"Kung may forever bakit may break-up? Bakit may naghihiwalay?" --- birada ko naman.

"Anong connect? Bitter ka lang ata sa unrequited love mo kaya ayaw mong maniwala sa forever eh. Tsaka kung wala yun, bakit patuloy pa din ang mga may kantang may salitang forever. Like, Forever's not enough. Ibig sabihin, may infinity and beyond pa dahil hindi sapat ang magpakailanman eh." --- nakangisi niyang sagot at halos lahat ng tao ay sumang-ayon da kanya. No, I can't afford to lose this debate.

"Eh paano mo naman i-ju-justify ang kantang Once in a Lifetime? Ibig sabihin, habang nabubuhay ka dito sa mundong ibabaw, may darating na minsan mo lang makikilala at makakasama dahil everything is limited. Hindi namam tayo unli na unlimited, pero kahit nga unli, may expiration eh. Natatapos. Nawawala." --- sagot ko na ikinatili ng tao. Mukhang nakikita na nila ang punto ko. Hmp. Take that, Romeo.

"So, are you trying to tell me that the Bible is lying about forever? Dahil sa bible, may salitang forver at may nanatili magpasawalang-hanggan at ito ay si God. Are you trying to imply na hindi totoo si God at and forever niya?" --- counter attack niya sa akin. What the? No! I believe in Jesus Christ! I do. Kaya may forever. Pero, WHAT?! Talagang nag-a-agree ako sa kanya? Argh. I hate his guts!

I think I have to give up for now even though I still want to fight for what I believe in.

"You win." --- I said defeatedly and stood up. Lumakad na ako palayo dahil alam kong talo na ako.

"Nice try." --- mapangutya niyang sabi bago siya dumiretso kay Rox.

Nakakainis talaga.

Hindi ka makalapit.

Hindi mo siya makausap.

Hindi mo siya ma-solo.

Nakakainis lang talaga.

"And the winner of our first challenge is Romeo!" --- masiglang announce ni insan. Tss. Konti na lang masasabi kong bias 'tong lalaking ito.

****

PS. Sorry for the late UD. Marami lang talagang inaasikaso at iniisip. I need your Prayers for my tour in Australia and to be able to study for my Masterals there.

Tweet me: @misskeemist
FB: Keem Delgado

VOTE. COMMENT. BE A FAN.

Loveya, guise! xo

God bless! ♡♥ツ

143rd JERK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon