Amber's Point of View
Checklist:
Lovelife Big Check!
Family On Progress
Friends Big Check!
The Play On Progress
Ang dami ko palang dapat ipagpasalamat kay God. Hindi pa man okay sa family, wala pa man silang hint or clue, alam kong kung Will ni God na siya talaga ang true love ko then, no matter what happens ay kami pa rin ang magiging magkabiyak hanggang sa huli.
Ang daming laman ng isip ko. Ang daming mga possibilities ang tumatakbo sa utak ko.
Hindi mo naman malalaman kung anong meron sa hinaharap eh kaya ang dapat mong gawin ay ang sulitin kung ano ang meron ang kasalukuyan.
Pahalagahan at panghawakan mo kung anong meron ka ngayon kahit alam mong may posibilidad na mawala ito sa'yo kasi hindi mo mae-enjoy ang isang bagay kung bawat segundong lumilipas ay nag-aalala kang makaalpas ito sa pagkakahawak mo.
"Ang lalim naman ng iniisip mo diyan." - basag ng isang walang kwentang nilalang sa aking mumunting pagmumuni-muni.
"Narinig ko yun." - sambit niya ulit at umupo sa tabi ko. Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin na siguradong nagbaon na sa kanya sa ilalim ng lupa.
"Anong kailangan mo, walang kwentang nilalang?" - mataray na tanong ko sa kanya na halatang ikinagulat niya. Serves you right, A-hole!
"Hoy bruha! Pagkatapos mo kong tawaging walang kwenta, A-hole naman ngayon. Aba, sumosobra ka na!! Wag mong sabihing bestfriend kita at ikaw ang babaeng mahal ko ay hindi kita papatulan." - at sinabunutan niya nga po ako pagkatapos niyang mag-litanya. Alangan naman magpatalo ako. Sinabunutan ko din siya kaya nagsabunutan kami. Sira-ulo talaga. Malamang natuluyan ng maging beki itong si Romeo.
A bestfriend will always be a bestfriend.
Na kahit ano pang pagdaanan niyo, hindi mawawala yyng relationship at bond na nag-exist sa inyo. Iba iba naman kasi ang pagtanggap ng magkakaibigan sa ganyan. You just have to appreciate the people who were there for you when you felt that everything's not going according to what you wanted. Your friends and family.
Tandaan mo lang na inaalis lang ni God yung hindi dapat nasa buhay mo. Alam Niya kung sino ang dapat manatili at dapat dumaan lang. Tiwala ka lang sa Kanya.
Ang dami ko na namang nasabi at nawala sa isip ko na nagsasabunutan pala kami ng nagapapanggap kong bakla na bestfriend.
"A-aray!" - daing ng sinasabunutan ko. Eh? Parang iba na boses ha? Saktong paglingon ko ay nasilaw ako. Dejk. Isang gwapong Ash na naka-costume na bampira ang sumalubong sa akin pero ang nakakapagtaka ay dapat nakakaakit ang aura niya pero bakit siya nakasimangot?
"Baka gusto mong alisin yang pagkakasabunot mo sa buhok ko, mahal? At magpalit ka na, malapit ng magsimula ang play. " - masungit niyang sabi at tumalikod na para umalis pero bago yun ay hinila ko siya pabalik at mabilis na hinalikan sa labi bago nagtatakbo papuntang dressing room.
Bago ako tumalikod ay nakita ko pang nagliwanag ang mukha niya at nawala ang pagkalumbay. Hahaha.
Mahal na mahal ko talaga ang lalaking yun. Sana wala na kaming maging problema. Sana.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na kaming lahat sa preparasyon at naghihintay na lang kami ng ilang segundo para buksan ang telon.
Kinakabahan ako dahil nasilip ang napakaraming tao na manonood. Bampira lang naman ang play na ito at malamang ay naumay na sila sa tambalang Edward at Bella ng Twilight, maging kay Damon, Elena, and Stefan ng The Vampire Diaries. How could They?! At doon ko napagtantong may malalaki silang banner na dala which has his name on it. Iba pa rin talaga ang impact niya sa nga kababaihan. Kahit alam naman nilang may girlfriend na eh gora pa din? Nakakapagselos lang pero at the same time, proud ako dahil sa dami dami ng humahanga sa kany, ako yung pinili niya.
BINABASA MO ANG
143rd JERK (COMPLETED)
HumorAng panget niya. Napaka-panget niya. Sobrang panget niya. Ang Panget panget niya talaga. Ang baho niya. Napaka-baho niya. Sobrang baho niya. Amoy payatas siya. Nakakadiri ang pagmumkha niya. Maitim, may eyeglasses, may braces, may tartar at may ting...