Ashton's Point of View
I feel ecstatic. Sobrang tagal ng hinintay ko para makita siya, mahawakan siya.
After New Year's Eve, ng makita ko how she fell on the ramp when we're having the show, sobrang nag-alala talaga ako kaya madaling madali ako to get her pero yung highlight talaga ng simula ng bagong taon ko is our last conversation.
I have never felt uplifted. I have never felt so happy my whole life.
Oo, masaya ako ng kami na noon pero iba pala ang saya na naidudulot ng tamang oras. Yung tipong everything falls into olace already. Now that we all have stable jobs and in the marrying age already.
It felt surreal.
"Happy?" - someone asked that I turned my swivel chair para tignan ito. Rome was there. Rox's bestfriend and my ever loyal supporter.
"Very happy. Hindi ko alam kung paano siya i-explain. I've never felt this happy and contented my whole life." - I answered him as he walks toward the chair right across my table.
"Have you talked to her after the incident? Have you cleared things out? Kasi sabi mo after mo siyang batiin, wala na. I mean, she didn't response hanggang sa maihatid mo na siya sa bahay." - he said nonchalantly.
Yes, wala na siyang kibo hanggang makarating kami sa kanila.
Baka natuod.
Na-mesmerize sa kagwapuhan ko?
O di naman kaya, laglag panga ang lola niyo ng marinig ang pagbati ko?
Hmm. I should have asked her kung anong pakiramdam habulin ng tulad ko. *evil grin*
"Hahahahahahahahahahahahahahaha"
"Ashton, you're creeping me out. Stop laughing by yourself at wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Hindi ko alam kung natatawa ka sa sarili mong kapangitan o dahil sa wala ka namang kasiguraduhan?" - kastigo sa akin ni Rome. Haneo panira ng monent dre?
"Alam mo, basag trip ka din kung minsan eh. Kapangitan? Hoy, nahiya naman unggoy sa'yo. Kung pangit ako, ano ka na lang? Peste sa paningin ko ganon? At walang kasiguraduhan? Ha! Baka maglaway pa kamo siya sa kakisigang taglay ko." - sagot ko sa hamapaslupang matalik na kaibigan ng mahal ko.
"Sinong maglalaway, Mr. Mellark?" - halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses niya.
What.the.hell.
"Kanina ka pa diyan?" - tanong ko kay Rox at pasimpleng tumingin kay Rome kung may idea siya. Simpleng sumeniyas ito ng 10 minutes.
"Sa tingin ko alam mo na ang sagot base sa senyasan niyo ng bestfriend ko, ano po Mr. Mellark?" - she remarked and I laughed nervously but it didn't stop me to take in her appearance.
Napakaganda niya pa din sa simpleng black off-shoulder dress na aabot sa tuhod niya with matching nude flats. She's just gorgeous as I imagined her would be.
"Sorry for that, nagsasabi lang ako ng totoo, Mrs. Mellark." - I smirked when I saw her blush ng pagdiinan ko ang pagtawag ko sa kanya ng Mrs. Mellark
I still have that effect on her.
"Ehem." - Rome suddenly coughed breaking our little bubble.
"Sorry mga bes ha pero cue ko na bang um-exit? Nakahambalang ata ako sa lovey dovey moments niyo eh. Gorabels na ba akes?" - tanong niya with matching pilantik pa ng daliri.
"Alam mo, ngayon ka lang ata may na-suggest na maganda sa buong buhay mo! Hala sige, layas!" - I said happily. Di ko ma-contain yung happiness na nararamdaman ko talaga ng sabihin niya yun.
BINABASA MO ANG
143rd JERK (COMPLETED)
HumorAng panget niya. Napaka-panget niya. Sobrang panget niya. Ang Panget panget niya talaga. Ang baho niya. Napaka-baho niya. Sobrang baho niya. Amoy payatas siya. Nakakadiri ang pagmumkha niya. Maitim, may eyeglasses, may braces, may tartar at may ting...