A/N: Unedited. Mobile Watty.
xx---
Amber's POV
Nasa Ravenhurst University na ako and I must say It's good to be back.
Hindi na din ako nagtaka sa stares na ibinibigay sa akin ng ibang estudyante. Bakit?
Kilala ako dito bilang nerd at panget na babae but look at me now, I've changed. Broken heart is what changes people.
Naalala ko pa noo. na dalwang tao lang ang tumanggap sa akin despite sa itsura ko. Si Romeo at ang lalaking hanggang ngayon ay minamahal ko.
Akala niyo hindi kami magkakilala nung una? Well, we go way back.
Ang difference lang ngayon ay parang complete turn around. 180 degrees na pag-ikot kung saan hindi ko siya kilala at iba na akong tao, hindi lang sa paningin niya kung hindi sa paningin din ng mga taong minsan ng humusga sa akin.
Naglakad pa ako hanggang makarating ako sa benches ng soccer field. Ang tagpuan ng namin ni bestie. :)
Nakita ko na siya kaya dali dali ko siyang nilapitan at tinakpan ang mata
"I know who you are, beautiful" --- manly na pagbati niya sa akin. Hahaha. Natatawang tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa mata niya at umupo na sa tabi.
"Good morning, bestie :)" --- nakangiting bati ko sa kanya. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
"Wow. Kung di lang kita kilala masasabi kong masaya ka talaga." --- mapang-asar niyang sabi sa akin.
Naguluhan naman ako pero bago pa ako makapagtanong, sinagot niya yubg tanong ko sa isip ko.
"Ang plastic mo. Niloloko mo na ang sarili mo. Kahit hindi ka naman talaga masaya, pinapakita mong masaya ka. Kahit nasasaktan ka na, pinapakita mong matatag ka. It kills me seeing you like this and what I hate the most is I can't do anything about it." --- madramang litanya niya sa akin na ikinabago ng mood ko. Parang may humaplos sa puso ko kaya hindi ko napigilang yakapin siya.
Gumanti namab siya ng yakap at mas hinigpitan pa.
"Salamat bestie. Kung wala ka, hindi ko na alam gagawin ko." --- maluha-luha kong sabi habang nakayakap pa din.
Akala ko naibaon ko na lahat simula ng magdesisyon siyang talikuran ako.
Akala ko na sa loob ng ilang buwan ay kakayanin ko ng makita siya ng wala ng kahit anong nararamdaman.
Akala ko magiging masaya ako kasi bago na ako. Na akala ko magsisisi na siya sa lahat lahat.
Pero hindi pa din pala. Ako pa rin pala ang masasaktan at magpapanggap na Okay lang ang lahat.
"I think I have a plan na bestie." --- naramdaman kong ngumisi siya mula sa yakapan namin at nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako.
"THE ONE THAT GOT AWAY PLAN" --- at dun ko nakita na ang atensyon niya ay nasa likod kaya tinignan ko din ang tinitignan niya.
Si Louis, nasa malayo siya pero ramdam ko ang titig niya sa akin. Nakita ko din na kumuyom ang kamao niya.
Pero dali dali din siyang tumalikod at umalis.
Naguguluhan naman akong tumingin sa beking nakabungisngis sa akin ngayon.
"Ano yun?" --- naguguluhang tanong ko.
"Pagseselosin natin siya hanggang sa siya na mismo ang magpakawala ng sensyales na mahal ka niya." --- ngingiting ngiti na plano ng linchak na ito.
"Baliw ka ba?! Ayoko nga! Mamaya umasa na naman ako" --- depensa ko.
"May aasahan ka naman base sa reaksyon niya. Hahaha" --- masayang sagot niya sa akin. Napailing na lang ako sa kagagahan ng bestfriend ko.
Umalis na kami at pumunta na sa kanya kanya naming klase para sa isa na namang mahaba na araw.
Louis, I'm the one that got away. I hope the second time around, I'll be the one to stay.
---xx
Vote, Comment and Be a Fan :*
Follow me on twitter:
@MissKeemist
BINABASA MO ANG
143rd JERK (COMPLETED)
HumorAng panget niya. Napaka-panget niya. Sobrang panget niya. Ang Panget panget niya talaga. Ang baho niya. Napaka-baho niya. Sobrang baho niya. Amoy payatas siya. Nakakadiri ang pagmumkha niya. Maitim, may eyeglasses, may braces, may tartar at may ting...