A/N: Hi! Wag po kayong mag-alala kung wala yung Friendship part ng story, hindi siya gaanong makakaapekto pero magta-type na lang ako ng panibagong ganun pag tapos na po ang 143rd JERK. :) Salamat.
****
Ashton's POV
Siguro nga magpinsan kami at close kami dahil kasa-kasama ko siya noong mga panahong wala akong matakbuhan maski kaibigan ko dahil kahit sila sinabing mali ang ginawa ko. Galit sila kasi sinaktan ko si Rox. Ang kaibigan ko kasi ay kaibigan din ng babaeng mahal ko para kahit wala ako sa tabi niya ay may mga taong magtatanggol at aalalay sa kanya. Isa sa itinuring kong kaibigan ay ang pinsan kong si Vlad. Vlad Ganitnit. Ang propesor din namin ngayon.
Ang mommy ko at daddy ni Vlad ay magkapatid kaya kung nagtataka kayo na mag-pinsan kami, aba, pumunta kayo ng NSO at i-check niyo pa. Hindi pa kayo maniniwala eh.
Anyway, ayun na nga at madalas kaming magkalaro simula yagit pa lamang kami. Pag sinabing yagit ay bata ang ibig sabihin, nanonood kasi ako ng The Ryzza Mae Show kaya nalaman ko. Hehehe. ✌
Habang lumalaki kami ay mas lalo kaming nagiging close at malapit sa isa't isa. Para ko na siyang kuya. He's 2 years older than me pero parang barkada lang ang turingan.
But it all changed when we met her. When we both fell in love in that same lady. With that smile. It's like you're singing 'Baby, you light up my world like nobody else' with that angelic smile.
Dahil selfish ako, ayoko siyang i-share. Hindi naman siya coke para i-share ko ang happiness ko, 'di ba? Ang kay ASH ay kay ASH lang. Ganyan ako pagdating sa love.
Pero ang malupit nun, bago pa man sa akin mapunta ang gusto ko eh nalaman ko namang CRUSH niya pinsan ko. Dahil Adviser ito ng Theater Arts Club noon at hindi maipagkakailang gwapo. Pero MAS gwapo ako.
Siyempre, dahil alam kong may crush ang mahal ko sa pinsan kong may gusto din sa mahal ko, eh gumawa na ako ng hakbang.
Nang minsang sadyain kong magkabanggaan kami sa harap ng Theater and Arts orgainzation ay tinulungan ko siya at panay ang sorry ko para mapansin lang ako.
Dahil sa love kahit magmukha kang tanga, okay lang basta mapansin ka niya.
So I put on my best puppy dog face and kissed her hand as a sign of respect. Cheesy :"> pero syempre, Damoves na yun 'no! Pagkakataon na din eh.
"Whatever I said, whatever I did. I didn't mean it. I just want you back for good. I want you back for good.~"
Naputol ng mala-anghel na boses ng pinsan ko ang aking pag-iisip. Ang kantang yun. Yun ang kantang madalas kong patugtugin ng mawala siya sa akin. Back for good.
"Sir. Ang ganda pala ng boses niyo." - manghang komento ng isa sa mga kaklase naming babae na kilig na kilig sa pinsan ko. Psh. Maganda lang ang boses at gwapo, kala mo perpekto na. Tss. Mga babae nga naman.
Ang bilis ma-fall.
"Hahahaha. Salamat. Mana lang ako sa dad ko pati na rin sa pag-arte." --- dagdag pang litanya ng magaling kong pinsan.
"Kaya pala ang galing niyong magpanggap na totoo na ang nararamdaman kahit pawang kasinungalingan naman." --- sabat ng boses na kilalang kilala ko. Sakto namang nag-bell, indicating the class to end at nagpatiuna na si Rox na lumabas.
Kung alam mo lang, kakaibabe. Gusto na ulit kitang makuha.
"Ang hirap naman ng love." --- usal ko sa sarili na sa tingin ko ay narinig ng magaling kong pinsan na hindi pa pala nakakalabas sa silid.
"Hindi naman madali ang lahat ng bagay. Mas masarap kung pinaghihirapan. Mas worth it. Mas ayaw mong mawala." --- at tinapik niya ako sa balikat bago tuluyang lumabas.
Siguro nga naging cousenemies (cousin-enemies) kami pagdating sa love pero family pa rin kami at alam namin ang salitang sakripisyo.
Alam mo kung hanggang saan ka lang lalaban at alam mo kung dapat mo pa rin bang ipaglaban.
Ang love parang pantalon, pag masikip na sa'yo ay wag mo ng ipagpilitan. Marami pang ibang sizes at cut. Baka hindi na kasi iyon nararapat para sa'yo.
****
Update ulit :) Mahal ko kayo eh. :))
Salamat sa pagbabasa! :">
Follow me on FB: Keem Delgado
Twitter: @MissKeemist
Thank you! God bless ツ
BINABASA MO ANG
143rd JERK (COMPLETED)
HumorAng panget niya. Napaka-panget niya. Sobrang panget niya. Ang Panget panget niya talaga. Ang baho niya. Napaka-baho niya. Sobrang baho niya. Amoy payatas siya. Nakakadiri ang pagmumkha niya. Maitim, may eyeglasses, may braces, may tartar at may ting...