BEKIMON

376 17 2
                                    

Hello :) Kamusta buhay readers? Sorry matagal ang update ha? Busy din kasi ang personal life ko. Hanap hanap din ng work pag may time. Waiting for a phone call kaya pag-Pray niyo ako ha? Hahaha. Thank you! :***

xx---

Amber's Point of View

I was listening to the song Drive myself crazy by N'Sync when I got hit by the lyrics of its chorus...

'I lie awake, I drive myself crazy, drive myself crazy... Thinking of you'

Habang pinakikinggan ko ito ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan ko. Mga panahong hindi mabura sa alaala ko at patuloy na nakatatak sa puso ko.

Ang nakaraan na ayaw na ayaw kong takbuhan. Nakakatawa bang isipin na ang daming tao na gusto ng takbuhan at kalimutan ang past memories nila samantalang ako, nakuha pang i-reminisce. Paano mo ba makakalimutan ang past mo kung saan mo nakilala ang taong mahal at minamahal mo hanggang ngayon?

Maraming tap ang magsasabing kalimutan na ang nakaraan pero hindi ba nila naisip na kahit papaano na may 1 out of 10 persons ang may magagandang alaala mula dito? Hayyy. If only things were like before.

Kung hindi nangyari ang insidenteng iyon, malamang hindi magbabago ang ugali nya.

Naputol ang pag-iisip ko ng may biglang pumisat sa akin gamit ang isang mahigpit na yakap!

"ROMEO PAMINTA!" --- I exclaimed ng makita ko na ang mukha ng aking suspect.

by the way, nasa Seattle's Best akong nagkakape habang inaantay siya.

My Bestie'ng Bekimon, ROMEO PAMINTA, 19 years old. Same course, same university which is Ravenhurst University. Childhood friends kami at nalaman niyang may obaryo siya ng makita niya akong mag-cr. Ang gaga, nag-feeling na ganun din ang kanya kahit ibon naman talaga. Inggit daw siya lalo na ng makita niya ang panty ko, PINK NA HELLO KITTY. Jusko! hinatak pa niya yun habang nakababa at umiihi ako. Imagine? Tsk.

"Haler Baler! Hindi ako si ROMEO! Ako si JULIET, at wag mo ngang ipangalandakan ang apelyido kong kasing baho ng hininga mo! It's PEPPER, P-E-P-P-E-R. Intiendes chukchak chenes?!" --- sagot niya sa akin habang paupo sa kaharap kong silya.

"Mabahong hininga?! Excuse me, Beki ha! Mabango ang hininga ko! Amuyin mo pa!" --- sigaw ko sa kanya kaya napatingin ang ibang customer sa loob ng café.

"Jusko naman ateng? Serious mode lang ang fezz? Hindi na pwede mag-joke? Kalurky!" --- mataray niyang sagot sa akin sabay higop ng frappuccino na binili ko sa kanya.

"Sige, sagot pa Beki! Tsinelasin kita eh! Makita mo." --- ako


"Tsinelasin? Ginagago mo ba ako babaeng 'dot'? Nakasapatos ka teh! Nakasintas pa. Hala sige! Asan ang hustisya sa aming pusong babae kung mamaltratuhin niyo naman kami na mga tunay na babae!" --- at humagulgol nga po siya ng walang luha. Babaeng 'dot' daw ako kasi flat chested ang tingin niya sa akin. Hayyyy. OA talaga ni bestie pero mahal ko yan.

"OA much bestie bekimon?" --- bored kong sabi.

"Tse! Nagprapractice lang si atashi para sa Theater&Arts Org. ng university pag nagsimula na ang pasukan. Haha. Pangarap ko mag-theater diba? Tanda mo pa? Dun mo siya unang minahal Rox. Sa pagpunta sa lugar na yun dahil sasamahan mo ako." --- makahulugang sabi niya sabay ngiti.

Paano ko naman yun makakalimutan? Kung ang bawat sulok ng memorya ko ng nakaraan ay sa insidenteng yun dumadaan...

Theater&Arts Org.

That is where it all began.

xx----

VOTE. COMMENT. BE A FAN. :)

THANKY SA SUPPORT LOVES :**

CLICK NIYO LANG SI STAR. <3

143rd JERK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon