365th

48 3 1
                                    

Amber's Point of View

Argh!

I hate his guts!

I hate the way he smiles like he already won me back!

W-Wait...

So may balak talaga akong bumalik sa kanya?

Yes, of course. Papabebe lang naman ako. Sabi nga ni Lola Nidora na hindi minamadali ang mga bagay-bagay. May tamang panahon sa lahat.

Tama naman kasi na bilang isang dalagang Pilipina ay matuto tayong magpakipot. Yung tayo yung hinahabol, hindi yung tayo yung naghahabol.

Gusto ko lang naman na maramdamang sinsero siya sa mga sinasabi at ipinapakita niya.

May mga tao kasing hanggang umpisa lang, pag nakuha na yung gusto, mang-iiwan na lang.

"Aish!" -ginulo ko ang buhok ko habang si Vlad naman ay napatingin sa akin.

Nandito kami sa condo ko sa Makati dahil malapit lang ito sa Mall of Asia para sa gaganapin na charity fashion show ng H&M na ang boss pala ay si Ashton.

Sinugod ko pa nga siya kanina dahil sa nalaman ko. Bwisittalaga ang unggoy na yun na may gwapong mukha, mahabang pilikmata, mapupulang la--

Ugh. This is insane. Jusme naman. Pabebe plan nga di ba?

"Hahahahahahahaha" - nahinto ako sa pagtawa ng magaling kong kaibigan. Sinamaan ko siya ng tingin saka siya nagtaas ng dalawang kamay na animo'y sumusuko.

Tumabi siya sa akin dito sa sofa

"Hayaan mo na siya. Ginusto mo din naman ito, hindi ba?" - tanong niya sa akin.

Tumango ako. Lumawak naman ang ngiti niya.

"Gusto mong habulin ka niya. Ganitoang paraan niya at hindi ko yun pwedeng ikumpara sa mga napapanpod o nababasa mo. Magkaiba ang scripted sa natural." - paliwanag niya at tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Totoo naman at naiintindihan ko ang punto niya.

"Last day na ng 2015. Make the most of it." - he said before leaving me para makapag-ayos ng sarili.

Tatambay na naman yun sa coffee shop at makikipag-face time sa girlfriend niya.

I started to do my thing. Inayos ko na din ang mga gagamitin ko before I took a shower.

Ang dami ng nangyari. From the day I left my home and still going back here.

Wala namang ibang place ang babalikan kung hindi ang kinalakihan at kinasanayan.

Yes, may mga bagay na dapat baguhin o di kaya naman ay hindi sadyang ito ay nagbabago pero malalaman natin na sa huli, ang comfort natin ay yung mga mahal natin sa buhay.

Ilang sandali pa ay nag-aayos na ako upang lumabas ng unit ko at pumunta sa venue. Nagtext na din naman ako kay Vlad na dun na lang kami magkita sa pagdarausan ng event.

After 30 minutes, I reached the venue. Dumiretso na ako sa backstage para magpalit ng lingerie.

Confident naman ako sa katawan ko. Makukuha ba akong model kung hindi ko kayang I-flaunt ang meron ako?

"Baby, are you ready? The stage manager said that the shpw is about to start five minutes from now." - Vlad asked from behind me habang inaayusan ako ni Andy. Remember her?

Oo, di kayo nagkakamali. She is one of my bestfriends. Siya din ang babaeng nagpa-straight sa baklang yun. Well, hindi naman talaga siya bakla in the first place. Nagpanggap lang siya noon.

143rd JERK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon