DUEL MONSTERS

106 9 0
                                    

Amber's POV

Ano ba naman 'tong si Romeo. Pababalikin ko na 'to sa loob ng libro eh. Kadaldal naman. Kanina niya pa kasi niya pinapamukha sa akin kung ano daw ang naging reaksyon ni Ash ng kantahin niya ang Maybe this time na kung matatandaan niyo ay dine-dedicate niya sa mga sawi noo g una but they found their way back to the right ones.

"PAMINTA! NAKAKARINDI KA NA. PAULIT-ULIT, PAULIT-ULIT? UNLI KA 'TE?!" --- sigaw ko sa kanya pagkahinto namin sa may mga bleachers.

Tinakpan niya naman ang tainga niya at namimilog ang matang nakatingin sa akin.

"Bakit mo naman ako sinigawan, bebe? Ang precious ears ko tuloy nasaktan. Alam mo namang wala sipang kalaban-laban eh. Whyyyyyyy?!" --- and he fake cried in front of me and those students who are just passer-by na mukhang amuse na amuse sa eksena namin nitong si bakla.

"Tumigil ka na nga sa kakangawa mo diyan. Pinagtitinginan na tayo." --- marahan kong pinunasan ang crocodile tears na pinilit niya talagang ipaagos sa 'makinis' daw niyang mukha.

Hindi nakaligtas sa akin ang nagbabagang mata ng isa sa aming manood. Ang spectator na minsan ng kumuha ng spotlight ng puso ko. Ang aktor na paborito kong panoorin at pagmasdan sa entablado. Si Ash.

Bakit ba madalas ng pagtagpuin ng tadhana ang landas naming dalawa? Siguro sa huli ay kami pa rin. Ano ba naman itong pinag-iisip ko. Hanggang ngayon ba naman, siya pa rin. Ang hirap talagang gawin ng mga katagang Move On lalo na kung maski pagsasabi nito ay hirap na hirap ka.

Unti unti siyang lumapit sa pwesto namin. Bigla akong kinabahan at napakapit ng mahigpit sa kamay ni Rome (Another short name for 'Romeo'). Napansin naman ata ni bestfriend ang pagbabago ng aura ako at napatingin sa taong papalit sa pwesto namin. Huminto si Ash hindi kalatuan sa tapat ko. Mga tatlong hakbang na lang magakaka-Face to Face na kami.

"I want you back. Straightforward and Honest." --- Seryoso at tiim-bagang na sabi ni Ash ng mapadako ang tingin niya sa magkahawak kamay naming dalawa ni bestfriend. Ewan ko pero feeling ko ay mali ang makipag-holding hands ako sa iba while my heart is beating for that same person from the past over and over again, which is yung lalaking nakatayo sa harap namin ni Rome.

"Why do you want my girlfriend? She doesn't belong to you anymore." ---- wow. Career na career nitong baklitang 'to ang acting namin ah.

Kumuyom ang kamao ni Ash at mas lalong lumapit sa aming dalawa.

"I own her before you came. I want my other half back. I want my home back in my arms." ---- punong-puno ng pagseselos na sambit ni Ash.

Sa totoo lang, naiilang na ako dahil ang dami ng estudyanteng nanunood sa eksena namin kaya minabuti ko ng hilahin si Rome pero matigas din ito. Nakipagsukatan pa siya ng titig kay Ash saka nagsalita kung saan ay ikinagulat ko at ikinasinghap ng ibang estudyante.

"Why don't we have a duel?" --- maangas na hamon ni Rome.

Napasapo ako ng aking noo sa kalokohan ng kaibigan ko. Juice Colored! Ano na naman bang katarantaduhan ang naisip ni bading. -.-

"It's On" --- sa sagot na yun ni Ash ay nagsimula na siyang tumalikod sa aming dalawa ni Rome. Pero bago pa siya makalayo ay sumigaw pa ang kasama ko.

"It'll be a game of the Monsters. Monsters of Love. I'll tell you the mechanics tomorrow. See you in the loser's corner." --- at mapang-asar pa itong humalakhak.

Aish. Isang sakit sa ulo na naman ito.

****

UPDATED NA. :) THAK YOU SA PAGBABASA.

FOLLOW ME ON FB: KEEM DELGADO
TWITTER: MISSKEEMIST

GOD BLESS! ♥♡

143rd JERK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon