THE PAST AND US

111 9 0
                                    

A/N: Unedited. Mobile Watty.

Ashton's POV

Grabe naman yung kantang Maybe this time ng Romeo na yun. Patama ba sa amin? Or should I say, sa akin yun? Eh bakit naman din ako tatamaan? Sa akin ba dedicated yung kanta? Sa mga tao nga daw yun na destined to be together after all eh. Yung parang nagkasakitan na nga't lahat ay sila at sila pa din sa huli.

Tss. Oo, ako na Assuming at Feelingero dahil sa tingin ko kami ni Rox ko yun. Hahahaha. Patawa na naman ako.

After makababa nung hinayupak na lalaking yun sa mini stage namin ay humarap ang nakangisi kong pinsan na wari'y masayang masaya pa sa nabgyayari while I'm here, thinking of how to get my Kakaibabe back, once and for all.

Wag na magataka dahil alam naman ng pinsan ko ang lahat. First degree cousin ko yan at sa amin siya nakatira dahil only child at ang mga magulang niya ay nasa States. Maarte lang itong lalaking ito dahil ayaw mangibang-bansa. Masyadong maka-Pilipino eh.

Siya din kasi ang naging takbuhan ko after my downfall. Sana ngayon maging sweetest downfall na.

Siguro nga walang kasing-sakit ang makita ang mahal mo na hawak na ng iba. Na masaya na sa piling ng iba. Pero mas masakit pala na sana ikaw yung nasa posisyon niya pero mas pinili mong bitawan at iwan siya.

"Aba. Mukhang mabenta ang love songs ngayon ahh? Mapa-ampalaya at mapa-wasak, meron din kumakanta. Anyare? Hahahaha." --- masiglang tanong ng ugok kong pinsan sa mga kaklase ko.

"Eh sir, ikaw ba? May gusto ka bang kantahin at i-dedicate sa isang tao?" --- biglang nagdilim ang aura ng pinsan ko. Ganun din ang aura ko. Okay na eh. Bakit kailangan pa ganun ang maging tanong?

Bakit kailangan pang masama ang nakaraan nila ni Rox? Alam ko namang Mahal na Mahal niya pa din ang babaeng isinisigaw ng puso ko.

****

Short updates lang po talaga itong 143rd Jerk at di ko pa alam kung saan ako dadalhin ng imahinasyon ko kahit may nakasulat ng plano niya. Hihi. :3

Salamat sa pag-aantay. Alam kong sabaw na sabaw update ko. Babawi po ako sa susunod. Thank you! ♡♡♡

Love,

MissKeemist ♥

143rd JERK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon