A/N: Unedited. Mobile Watty.
---xx
Amber's POV
Papasok na kami asa unang subject namin. Ang MUSIC. Yes, parang highschool at elementary lang ang peg namin di ba? Hahahaha.
Ang course kasi namin ay theater and arts kaya ang mga subjects namin ay nag-e-enhance ng skills na meron kami maliban sa galing namin umarte. Mahirap ang walang talent kasi pwede kang isabak sa Musicals at hindi lang naman kantaan ang meron dun, may mga sayawan din kaya kailangan talaga ng mga pambatang subjects.
Pero dahil din sa kanya kung bakit ako nandito sa kursong ito. Lahat na lang ay dahil sa kanya.
Pagpasok namin sa klase ay natutop ako sa may pintuan. Tumigil panandalian ang paghinga ko at nakaramdam ako ng kaba. Yubg kabang dulot ng kanyang mga mata.
"Bestie, alam kong nandiyan siya. Wag ka namang magpahalata na apektado ka pa rin at umpisa pa lang ng plano natin, itaas mo na agad ang flag mo ateng. Ithtop ithtaring, plith!" --- pagpapabalik ni Romeo sa akin. Hays. Buti na lang talaga nandiyan siya.
Hinatak niya na ako patungo sa upuan namin dahil dumating na si Prof. Ganitnit.
"Good morning, class" --- bati niya sa amin
"Good morning, Sir" --- matamlay na bati namin.
Paano ba naman? Umuulan kasi. Ang sarap matulog at humilata sa malambot na kama.
"Mukhang tamad na tamad kayo ha? Bed weather lang yan, people!" --- masiglang pampapalakas loob niya sa amin.
We all groaned in response. In all fairness, siya lang yung prof. na hindi mahigpit sa loob ng klase pero strikto when it comes to requirements and practical exams o kahit ano pang klase ng exam. Kwela siya kaya parang barkada ang trato namin sa kanya.
"Ano ba naman kayo, dahil tinatamad kayo, may activity akong ipapagawa. Itong activity ay magpapahayag ng mensahe mo sa isang tao, either nasakatan ka niya, pinasaya o mahal mo siya. This will be called 'Emotional Breakthrough Song'. Ang kakantahin niyo ay dapat nagpapahayag ng nararamdaman niyo sa puntong ito. Maaari niyong banggitin kung sino yun or just a code name for him." --- mahabang paliwanag sa amin ni Sir Ganitnit.
"Sir, pwede ba kaming gumamit ng kahit anong instrument dito?" --- tanong ni Diane, isa sa mga kaklase namin na iginiya pa ang kamay sa mga instrumentong nagkalat sa loob ng room.
"Oo naman. Kaya nga music class ito. Anong gusto mo, mag-tunog tao?" --- nakakalokong sagot ni Sir.
"HAHAHAHAHAHAHAHA." --- tawanan ng klase sa pamimilosopo niya.
Napailing na lang na ngumiti si Diane dahil nasanay na din siya.
"Okay, seryoso na. Sinong gustong mauna?" --- tanong ni Sir sa klase.
"Saan sir? Sa langit?" --- sagot ng kaklase naming si Erick.
"Hindi, sa pagbagsak sa klase ko. Try mo ba?" --- ngumingising tanong din ni sir sa kanya.
"MOON MANES!" --- Sigaw ng kaklase naming si Ngongo.
Oh baka sabihin niyo nanlalait ako. Apelyido niya yun at nagkataong ngongo din siya. Aba Matinde diba?
"Mauna ka an bestie." --- kalabit ni Romeo sa akin.
"Wala pa akong maisip na kakantahin. Ikaw na lang kaya." --- pagtutulak ko naman sa kanya.
"Psh. May naisip akong kakantahin mo. Mag-drums ka, may instrumental copy ako ng kantang yun sa iPad ko." --- excited niyang suhestiyon sa akin.
"Ano ba kasing kanta yan?" --- naiirita na ako.
BINABASA MO ANG
143rd JERK (COMPLETED)
HumorAng panget niya. Napaka-panget niya. Sobrang panget niya. Ang Panget panget niya talaga. Ang baho niya. Napaka-baho niya. Sobrang baho niya. Amoy payatas siya. Nakakadiri ang pagmumkha niya. Maitim, may eyeglasses, may braces, may tartar at may ting...