A/N: Unedited. Mobile Watty. PLEASE VOTE AND COMMENT. THANKYYY!! :*****
Ashton's Point of View
Yes. May ang Graduation namin at ngayong araw mismo ang araw na pinakahihintay ng lahat ng College students. Makakatakas na din kami sa mundo ng pag-aaral at papasok na sa propesyong ginusto namin.
Alam kong dapat masaya ako. Honestly, I'm happy but I'm incomplete. Makita mo ba namang masaya sa piling ng iba ang taong mahal mo, hindi ka ba magagalit sa sarili mo?
Oo na, oo na. Ako na ang nagtulak sa kanya palayo. Sa loob ng isang taon na pagpunta nya sa bahay para lang magpaliwanag sa akin kung ano ba talaga ang dahilan ng pagiging magkapatid namin, bukas man ang pinto ng pamamahay namin ay sarado naman ang puso at isip ko.
Paanong hindi? Eh nakita na nga yung ebidensya eh. May nagpadala kasi ng mga documents sa bahay namin pagkatapos ng araw na itinaboy ko si Rox sa bar at sinundan sya ni Stan. Ang mumunting pag-asa ko ay nasira at nawasak dahil sa mga nabasa ko sa documents. It was a proof that the mom I know is not my real mom, na ang mama ni Rox ang nanay. Ang tunay kong ina.
Hindi ko na na-confirm yun kay mommy because she died already. Yeah. *smiled bitterly* She already died because of a car accident. Nawalan daw ng preno ang kotse nya habang nagda-drive papunta sa airport. I thought I was just daydreaming and all pero hindi. Nahawakan ko ang malamig nyang bangkay nung mawala sya. I mourned her death all by myself. Wala eh. Itinulak ko lahat ng gustong pumunta sa burol nya. I want it to be just me and my so-called-mommy.
Isang taon na ang nakalipas pagkatapos ng lahat ng pangyayari. Isang taon na ang nakakalipas ng sumuko na naman sa akin, sa pangalawang pagkakataon, ang babaeng pinapangarap kong makasama habang buhay. Isang taon na din ng malaman kong ang tatay ko pala ay tatay din ni Amber. Sya ang nagsiwalat lahat na para bang kahapon lang lahat nangyari ng mga ganung eksena sa buhay namin. And now, I'm living under the same roof with my so-called-sister
Ha ha ha. Ang saya saya, ano po? At dahil nga magkasama kami ay lagi kong nakikitang maglampungan ang kulugo kong bestfriend na si Stan, na wala pa sa kalingkingan ng paa ko ang kagwapuhan, at ang babaeng hanggang ngayon ay mahal ko pa rin. Kusa pa din itong tumitibok para sa kapatid ko.
I guess I'm still a Jerk for feeling this way. Still a Jerk to continue loving her even though alam ko ng wala ng pag-asa.
Still the same old Jerk who will always love his sister.
Para ngang tanggap nya na ito eh. Na okay lang sa kanya. Sino ba namang hindi? Eh wala na naman kaming magagawa eh. At kung kailan huli na ang lahat, dun ko lang gustong mapakinggan ang mga rason nya. Ang explanations nya sa lahat lahat.
"Pre, ano? Sambakol na naman yang mukha mo. Tanga mo kasi" - Bungad sa akin ni Romeo. Oo, lalaki na siya at di man kapani-paniwala pero sila na ni Andy and they are going strong. They are dating each other for over two months now.
"Bakit hindi mo itanong sa bestfriend mo? " - sarcastic kong sagot sa kanya.
"Itatanong ko talaga? Seryoso ka diyan? Gagawin ko talaga. AMBER RO---" -hindi na nya natapos pa yung isinisigaw nya dahil tinakpan ko na agad yung bunganga niyang parang manok sa daldal. Ang gao, tinitotoo yung sinabi.
"Arghhh!! Baliw ka ba?! Alam mong wala na kami di ba? Alam mo naman kung paano ko siyang ipinagtabuyan nung mga panahong sinusuyo-suyo niya ako hindi ba? Nang-iinsulto ka ba?!!" - Mahabang sigaw ko sa kanya habang frustrated na inihilamos ang kamay ko sa mukha ni Romeo. Alangan namang sa mukha ko? Eh di nasira yung kagwapuhan ko?
BINABASA MO ANG
143rd JERK (COMPLETED)
HumorAng panget niya. Napaka-panget niya. Sobrang panget niya. Ang Panget panget niya talaga. Ang baho niya. Napaka-baho niya. Sobrang baho niya. Amoy payatas siya. Nakakadiri ang pagmumkha niya. Maitim, may eyeglasses, may braces, may tartar at may ting...