5 Seconds of Summer

168 13 4
                                    

A/N: Unedited. Mobile Watty.

---xx

Ashton's POV

Ang sakit ng kantang yun. Tagos sa buto at kaluluwa ko. Namnam na namnam ko eh.

Ayaw na ba niya ? Wala na ba talagang pag-asang maayos pa?

Nakakatawang isipin na para sa akin yung kantang iyon. Ang tanga. Basta na lang kasi ako humila ng isa sa fan girls ko para magpanggap na kami. Syempre as a 'boyfriend', kailangan kong ipakita ang role na yun kahit alam kong nandiyan lang siya.

Ayan, nagamit ako ng babaeng hipon na yun. Tsk. Dapat nagahanap ako ng maganda gandand pambato para sa isang fake relationship eh pero napasok ko pala ang isang relationSHRIMP.

Nandun na ako kaya pinanindigan ko na lang tutal kalokohan lang naman ang lahat.

Been a year na din since that day. Oo, isang taon ko siya hindi nakita at nakasama.

Saan siya galing? Galing siyang Australia. She finished her 2nd year there.

We were Freshmen nung nangyari lahat. Parang kailan lang yung panahong ako yung umalis at nang-iwan.

Yung mga katagang "I never want you back into my life" na linya ay ako pa mismo ang nagpahayag.

Look at us now. May us nga ba? Nagkaroon ba talaga ng kami?

Kaya relate ako sa movie na Maybe this time eh baka kasi eto na yung panahon na kami na. Against all odds kumbaga.

Pero alam ko namang mahihirapan ako eh. Sobrang mahihirapan.

Naalala ko pa noon...

REWIND

Kakaibabe Rox calling...

Bakit siya tumatawag? Hindi ba malinaw na sa amin na wala na para sa amin ang isa't isa. Neither of us crossed each other's life.

Pero parang may sariling utak ang mga kamay ko at pinindot ang answer button.

[Hello? Bae L?] -- alanganin niyang bati sa akin.

[Bakit?] -- cold kong tanong sa kanya. I tried hard not to call her 'Kakaibabe R'. Our endearment.

[A-ano.. Aalis n-na ako b-bukas. My flight to Australia is at exactly 7 in the morning.] -- mabilis niyang sabi na nauutal pa.

WHAT?! Aalis siya at ngayon lang niya ipapaalam? '

Eh ano bang pakialam mo? Di ba ginusto mo ito?' saad ng isang bahagi ng isipan ko.

[Ano ngayon? Kung wala ka ng ibang sasabihin, ibababa ko na ito.] -- sagot ko sa kanya na agad ko din pinagsisihan dahil narinig ko ng humikbi siya.

[I'll be waiting] -- yun lang at ibinababa niya na.

Nag-isip ako kung pupunta ba ako o hindi and I decided for what's best for the both of us.

4am. Nasa airport na ako dahil alam kong 3 hours before the flight dapat nandito ka na so I'm pretty sure na nandito na si Rox.

Hindi nga ako nagkamali, I spotted her with their butler, James. Nilapitan ko na siya at nag-usap kami.

"Aalis na ako. Sa Australia na ako mag-aaral." --- cold niyang sabi. I don't know but something is wrong, really wrong.

"Go. Hindi kita pipigilan." --- pagmamatigas ko pero sa pinaka-puso ko, I know na hindi ko kakayanin na wala siya sa tabi ko.

143rd JERK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon