Epilogue

119 2 0
                                    

Amber's Point of View

Hindi naman siguro kailangan na lahat ng stories ay mahaba. Hindi naman siguro lahat ng istorya ay puno ng sobra sobrang komplikasyon. I mean lahat naman may problema pero siguro mas higit nga lang para sa iba katulad ng amin, hindi man higit ang problema pero problema pa din. Ano daw? Ang gulo ko ba? Sorry naman.

Alam kong kakaunti lang ang tinakbo ng istorya naming dalawa ni Ash. Kami ay nabibilang dun sa cliché na may nang-iwan at piniling tumakbo dahil nasaktan only to realize na mahal pa nila yung tao at nadala ng sakit and with that, nabigyan naman kami ng pagkakataong itama ang lahat. Ang maging masaya.

"Mommy!" - sigaw ng isang batang lalaki na nagpatigil sa pagmumuni-muni ko. Napangiti naman ako ng makita kong tumatakbo papalapit sa akin na may malawak na ngiti. Sinalubong ko naman siya ng yakap at hinalikan sa pisngi. Napahagikgik naman siya. Kinilig ata sa sarili niyang nanay.

Oo, tama kayo ng nababasa. Isa na akong dakilang ina. I still accept modeling offers but that much kasi naman ang asawa ko, kapag swimsuit ang ipapasuot sa photo shoot ay kulang na lang patayin lahat ng lalaking nakikiusosyo. Madalas kasing sa beach ginagawa ang photoshoot para maging makatotohanan din. Hindi naman namin maiwasang may mga mapatigil at makisilip sa pag-awra ko.

Naputol na naman ang aking pag-iisip ng may humapit sa beywang ko at hinalikan ako sa ulo. Napaangat ang tingin ko sa asawa ko na nakangiting nakatitig sa akin na hindi ko namalayang nabuhat niya na pala ang anak namin sa kanyang mga bisig.

"Hi, love." - malambing niyang tawag sa akin at napangiti din ako.

"Hello, babe. Ang saya mo ata?" - puna ko sa kanya kasi kakaiba naman talaga ang ngiti niya ngayon. Parang nanalo ng lotto kahit na 4 years na kaming kasal.

"Masaya lang ako na buo ang pamilya natin, na hindi ka sumuko sa akin." - malambing na naman niyang sabi at akmang hahalikan ako ng harangin ni Jared, pangalana ng anak namin, ang kanyang nguso at siya ang humalik sa lips ko. Napatawa na lang ako dahil nakita ko kung paano bumusangot ang asawa ko.

"Hey, kid. Why did you do that?" - kunwari'y pagalit niyang angil pero may amusement sa mga mata. Tinignan lang siya ng anak ko na naka-poker face. Hindi ko alam kung saan nagmana ng pagka-badboy itong batang ito pero proud pa din ako sa kanya.

"I don't want chu kishing mommy! I am the only one allowed to kish mommy!!!" - sigaw niya na ikinagulat naming dalawa ng asawa ko at hindi ko na talaga mapigilang hindi humagalpak ng tawa. Lukot na lukot na parehas ang mukha nila at dahil sa pagtawa ko, nagpumiglas si Jared at tumakbo sa akin. Si Ash naman ay napailing na lang at binuhat ako bridal style habang pinakuha na niya kay yaya Tiding ang bata upang patulugin.

I can hear Jared's disapproval but he did not say anything anymore when I sweetly smiled and requested him to follow his dad's orders.

Funny how that little man can act like a real man already. He is so protective of me. Buti na lang ata anak ko siya. Naiiling akong napangiti at pinagmasdan muli ang aking asawa habang ibinababa na niya ako sa kama namin. Dahan-dahan niya iyong ginawa at pagkatapos ay pumunta siya sa pinto at isinarado iyon. He came back and slid into our blanket, he hugged my waist and smelled my neck. I giggled a little when I felt his breathe on it.

"Love, thank you. Again, di ako magsasawang alagaan ka lalo na't magkakaroon na tayo ng pang-apat na miyembro ng pamilya." - napaharap ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya while he's looking at me lovingly. Yes, isa na namang rebelasyon sa aming pagsasama na magkakaroon kami ng anak. At babae naman! Hindi ko mapigilan ang excitement ko.

I gave my husband a kiss. It lingered for a few seconds before I move my face away.

"No. Ako dapat ang magpasalamat dahil kahit anong nangyari ay nandiyan ka pa din. Nagpapasalamat akong nilait mo ako before kasi kung hindi, wala tayo ngayon dito. Fate really planned us to be together. Hindi man naging madali but it built our trust and love to each other kaya thank you, babe."- maluha luha kong sambit. Ano ba naman 'to. Napaka-emosyonal talaga pag nagbubuntis. Hindi ko napigilan ang luha ko na umalpas sa mata pero mabilis itong pinahid ng asawa ko.

Napakagat ako sa aking labi upang mapigilan ang mapahikbi. God, I love this man so much.

"You are everything I could ever ask for, Rox at wala na akong mahihiling pa sa Diyos kung hindi ang maging maayos ang kalagayan ng pamilya natin. I may not be that rich but I will work my butt off day and night to provide for you and for this family. You are my treasure. You're my superwoman. You're mine." - he said with full of sincerity and adoration.

Hindi ko na naman mapigilan yung luha ko at napapikit na lamang ng halikan niya ang magkabilang mata ko.

"I love you" - he said

I smiled and again, thanked the heavens that led me to him

"I love you, Jerk." And I kissed him fully on the lips.

Love may not be as beautiful as you want it to be but trust me, it is worth it.

-----xx

It took me long enough before finishing this. I know its lame because of really a very long writer's block but I hope you still appreciate it. I love you all!!! Thank you for still reading my stories and voting for them

Please follow my page and accounts:
🐦 and FB page: @kinikxmkeem
IG: @jane.scribbles

143rd JERK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon