Romeo's POV
Grabe. Sobrang kaba ang inabot ko sa unang paghaharap namin ni Ash. Actually, hindi naman ako ang nakaisip ng challenges na yun 'no! Baka mategi akes ni Papa Ash if ever na malaman niyang, akes lang ang gumawa ng mga category.
Si Rox at si Vlad ang gumawa nun. Yes, tama na naman kayo ng basa. Ang walang kamatayang kagawapuhan ni Sir Vlad ang tumulong sa amin para sa mga ideya sa aming duel ni Ash.
"Handa ka na ba para sa challenge na ito, bes?" --- alalang tanong sa akin ni Rox.
"Oo naman. Wag ka ngang mag-alala at maganda naman ang pangangatawan ko." --- sabi ko sa kanya. Kahit homo ako ay nakukuha ko namang pagandahin ang katawan ko 'no para mas malakas ang appeal. May smokin' ABS din itetchiwa. :)
"Hindi yun! Nag-aalala ako na baka pag nakita mo ang katawan ni Ash ay mawala ka sa sarili at bumigay ang depensa mo. Ikaw pa naman pag nakakita ng mala-Century Tuna body, naglalaway ka na." --- tumatawang litanya ng bruha kong bestfriend. Sinabunutan ko nga ng makatikim sa akin. Lokaret na ito.
"A-aray!" --- sigaw niya at hindi nagpatalo! Sinabunutan din ako.
Nasa ganoong estado kami ng madatnan ni Ash. Dali dali niya akong itinulak palayo sa bestfriend ko at inayos ang buhok nito. Jombagin ko 'to eh!
"Bakla ka ba?!" --- sigaw sa akin ni Papa Ash. Shems. Nasigawan pa tuloy ako.
"Bakla?! Kung bakla aki magiging kami ba ni Amber?" --- mahinahon kong tanong sa kanya. Nanigas siya sa tanong ko at hinila palapit sa akin ang babaitang yun. Inayos ko din ang buhok niyang nagulo dahil sa pagsabunot ko.
"Sorry, kakaibabe. I love you." --- I said huskily to her at pinandilatan siya ng mata ng makita ang gulat na reaksyon niya na alam kong hindi sa paraan ng pagbanggit ko sa mga katagang binuwan ko but to the endearment I used. Their endearment. Mukhang nakuha niya naman na nakamatyag sa amin si Ash kaya sumakay na siya sa plano ko.
"It's okay, hon. Ako naman ang nauna. Mapisikal kasi tayo maglambingan kaya akala ng iba diyan na nagpapatayan na tayo. Well, nagpapatayan naman talaga tayo.." --- bahagya pa siyang huminto bago nagpatuloy.
"... sa pagmamahal" --- dagdag ni Rox. Naramdaman kong apektado pa rin siya ng presensiya ng mahal niya.
Mahal niya yun eh! Sino bang hindi kinabahan, na-excite, kinilig at naging masaya pag nasa tabi o paligid lang ang mahal nila? Malamang halos lahat naman ata nakaramdam nun.
Napatingin ako sa upuan ng pabalya itong tumilapon sa tabi nito. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao at panginginig ni Ash habang itinatayo ang upuan na inihagis niya at doon din umupo. Napailing na lamang ako at hinalikan si Rox at hinila siya paupo sa kandungan ko. Hah! Take that. Hahahaha. I'm enjoying the show.
Kung papansin siya, mas papansin ako.
Ginagawa ko ito para sa matalik kong kaibigan at itinuturing ko ng kapatid.
"Hindi pa ba magsisimula ang pangalawang challenge?" --- tiim-bagang at iritadong tanong ni Ash habang nakatingin sa amin.
"Malapit na. Mga 2 minutes na lang. Iniintay lang si Vlad dahil katatapos lang naman ng lunch break." --- sagot sa kanya ng babaeng ngayon ay ramdam kong naiilang na sa posisyon namin.
"Vlad. First name basis." --- halos pabulong na sabi ni Ash pero hindi nakatakas sa aking beautiful ears. I can also taste the bitterness in my own mouth kahit hindi naman iyon nanggaling sa bibig ko.
"Jealous." --- I said more to myself.
Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Ganitnit at nagsimula na ang pagrampa namin sa entablado. Three sets of clothing ang gagamitin namin.
Una ay Devilishly Drop-Dead-Gorgeous theme. Second is the Angel and Devil Collide theme and last but the least ay ang Fall theme.
Unang rumampa si Ash at tanging ripped jeans lang ang suot niya at isang fitted white v-neck shirt. His hair was a mess like he just came out of the bedroom. When he reached the center, he purposely ripped his shirt and pour water into his body. Grabe, ang hot! Nagtilian ang mga manonood at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng laway ni Rox sa six pack abs ni Mr. Hottie.
Napailing na lang ako. She will always the nerdy girl who's head over heels to a great pretender.
Ako pa talaga ang pinagsabihan niya kanina ha.
Sumunod niyang sinuot ay ang Gladiator-slang-Angel costume niya. His skirt is from the spartan movie and he has wings. He looks like an angel, literally at naghiyawan na naman ang mga kababaihan. Psh.
Katawan lang yan. Personality challenge na lang oh!
Lastly, he wore cupid's outfit with a bow.
"Ano ba naman yan. Parehas pa kasi kami ng costumes na naisip eh." ---- maktol ko. Oo, parehas kami ng costume sa second and third theme kaya ng tinawag na ako, ang una kong sinuot ay ang costume para sa huling theme. Paatras ang ginawa kong pagsusuot ng mga themes dahil sa unang theme lang naman kami nagkaiba.
"Please welcome, Mr. Paminta!" --- ecstatic na tawag ng professor namin. Sira talaga.
Lumabas ako ng suot ang costume ni cupid na may shirt pa din at ganun din sa second costume which is spartan-slash-angel inspired. Halatang dismayado ang nga kababaihan. As if naman magpapatalo ako. Hindi ko kinakahiya ang katawan ko 'no.
Kaya sa last walk ko, I just wore jeans that is also ripped but the button is undone.
I heard the crowd gasped in surprise.
May tumili na babae at nagsi-sunuran naman ang iba. I smiled triumphantly.
Why? Because if he has 6, I have 8.
At nakita ko kung paano manlaki ang mata ni Rox at ang paglaglag ng panga ng lalaking yun. Epic!
Pero kahit sobra pa sa anim itong ABS ko, I will always be not enough for her.
I will always be nothing but her bestfriend. Nothing more, nothing less.
****
PS. Updated. Sobrang maraming salamat talaga sa mga nagbabasa nito. Hindi niyo alam kung paano niyo ako napapasaya. Sa lahat ng votes at comments nito kahit di pa gaanong marami, thankful pa din ako kasi na-a-appreciate niyo yung kwentong pinaghirapan ko. I hope basahin niyo rin ang Herz University ko and also my Short story entitled I Tweet You. :">
VOTE. COMMENT. BE A FAN
Tweet me: @misskeemist
FB: Keem DelgadoThank you, dreamers!
God bless. ツ
HartHartHart. TURURU ♡♥
BINABASA MO ANG
143rd JERK (COMPLETED)
HumorAng panget niya. Napaka-panget niya. Sobrang panget niya. Ang Panget panget niya talaga. Ang baho niya. Napaka-baho niya. Sobrang baho niya. Amoy payatas siya. Nakakadiri ang pagmumkha niya. Maitim, may eyeglasses, may braces, may tartar at may ting...