05

326 15 3
                                    

Puro picture lang sa paligid ang ginawa ko nang makarating kami ni Russel sa Vigan. Malapit na lumubog ang araw no'ng dumating kami kaya nag-decide kaming magpahinga na at bukas na lang mamasyal. 

Malayo ang hotel sa kanila kaya roon sa bahay niya ako pinatuloy. Hindi rin kasi ako maalam dito 'tsaka kulang ang pera ko pambayad sa hotel. Nakakainis! Bakit kasi hindi ako nag-prepare para sa ganitong bagay? Kung may dala sana akong sapat na pera, 'di ko na kailangang tumuloy kina Russel.

"Lilinisin ko lang 'yong kwarto mo. Umupo ka muna," sabi ni Russel kaya umupo na 'ko.

Habang naghihintay na makabalik si Russel, nagmasid-masid muna ako sa paligid. Sa may dingding, naroon 'yong portrait ng Papa ni Russel. Naka-uniform na pang-sundalo or pulis. I'm not sure pero ganoon ang kasuotan ng Papa niya. Mayroon din silang family picture sa gilid ng portrait ng Papa niya. Iyong isang picture, baby pa si Russel tapos 'yong isa naman is recent picture lang yata nila kasi halatang bago 'yong frame and picture. Mayroon ding solo picture si Russel. Naka-toga siya roon — Senior High School siya siguro roon.

Naputol ang pagmamasid ko nang biglang may pumasok na babae. The woman who's in front of me was I think around 40. Nakasuot siya ng yellow duster dress na bulaklakin. Inilapag niya ang dala-dala niyang bayong sa lamesa saka siya humarap sa akin.

"Hija, bakit ka nasa bahay ko?" she asked as she raised her brow.

Shit, Russel, sa'n ka na ba?

Iyong tingin ng Mama niya parang ang laking kasalanan na tumapak dito sa bahay niya. 

"Hija, kapag hindi ka nagsalita, ipapahuli kita sa pulis. Trespassing ka," mahinahong sabi niya pero kahit mahinahon ang pagsabi niya sa 'kin, hindi ko pa rin maiwasang matakot. Para kasi siyang naninindak.

"Russel brings me here po," agarang sagot ko. 

"At bakit ka naman niya dadalhin dito? Wala ba kayong bahay? 'Tsaka sa pagkakatanda ko, hindi 'to bahay-ampunan."

Sasagot na sana ako sa kaniya para ipaliwanag kung bakit ako nandito kaso biglang sumigaw si Russel.

"Ma, kaibigan ko 'yan," rinig kong sabi ni Russel. "Huwag mong takutin baka 'di na bumalik." sabi ni Russel at saka mahinang tumawa ang Mama niya.

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon