"I think I like her," sabi ko sa kalagitnaan ng pag-inom namin. Naibuga pa ni Yves ang nasa bibig niya kaya kumuha siya agad ng tissue sa gilid.
"Si Seya ba?" Yves asked.
"Oo," sambit ko.
Alam kong sinabi ko sa kanila na hangga't maaari, huwag muna. Hangga't maaari, hindi muna. Pero ang hirap pala pigilan. Kahit ano palang pigil mo, 'pag gusto ng puso, gusto ng puso.
It sounds clichè but that's how I feel whenever I'm with her. Nakakapagtaka nga kasi minsan nagiging madaldal ako kapag kasama ko siya. I also hate noise but if it's her — kung rants niya ang pakikinggan ko buong araw, I'm okay with it. Basta siya, okay lang.
Kapag siya, oo agad. Kahit ano, basta makakatulong sa kaniya, oo ako agad.
"Sabi na, e. 'Di talaga ako nagkakamali," wika ni Apollo. "Pucha, ginagawa mo ngang kapitbahay ng Vigan 'yang Manila, e."
"Malapit lang naman 'yon."
"Okay ka lang ba? Layo ng Manila, pre, tapos one time pa no'n, umalis ka sa kalagitnaan ng klase kasi nagpapasama mag-grocery si Seya." Apollo said, laughing. "Amputa submissive pala 'to, e,"
"Nagpasama siya kaya sinamahan ko 'tsaka alam ko naman na 'yong dini-discuss kaya okay lang,"
"Ewan ko sa 'yo, Russ. Basta ito lang advise ko, isipin mong mabuti kung ano 'yang nararamdaman mo kasi 'di ka pa sigurado, e. Sabi mo kanina 'I think', kaya kung ako sa 'yo isipin mong mabuti kung ano ba 'yang nararamdaman mo. Unfair naman, 'di ba, kung ganiyan pinapakita mo kay Seya tapos siya nalilito kung gusto mo ba siya o nagiging polite ka lang towards her," mahabang sabi ni Czedrick kaya napapalakpak sina Apollo at Yves.
"Naks naman. Iba words of wisdom ni Ced 'pag lasing putang ina,"
"Tang ina mo seryoso ako ro'n. Alam mo naman 'tong si Russel, e. Minsanan lang magkagusto."
•••

BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romantizmthey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022