"Huwag na tayong uminom. You hate beers, right?"
Naaalala niya pa 'yon? Tagal ko nang sinabi sa kaniya na ayokong uminom ng alak tapos natatatandaan niya pa rin pala.
"I hate beers pero ngayon lang naman 'to. 'Tsaka, aalagaan mo naman ako 'pag nalasing ako so okay na 'yon," kampanteng sabi ko bago ako kumuha ng can ng beers.
Marami akong kinuha dahil mapaparami ang kuwentuhan namin. Bumili rin ako ng iba't-ibang chips para may nginunguya kami habang nag-uusap.
Habang naglalagay ako ng chips sa cart, puro naman siya tanong kung bakit kami iinom. Nagtutunog tatay tuloy siya kasi nagsasabi na siya sa akin ng bad effects ng beers. Haha, ang cute.
"Gusto kong makalimot kahit saglit lang," sabi ko para tumigil na siya.
•••

BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romancethey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022