97

281 10 4
                                        

Mula burol hanggang libing niya ay hindi ko pinalampas. Naroon ako, nakaupo, sinisisi ang sarili dahil sa pagkawala niya.

"You don't deserve to die, Leigh. Bakit mo naman ako iniwan agad..." I sobbed.

Bukod sa akin, labis rin na nagluksa ang mga kaibigan niya. Sinabi pa nila sa akin na pupunta raw si Leigh sa Vigan dahil daw sa 'kin. She wanted to take the risk.

Pero nagkasalisi kami.

Hindi ko alam na gano'n ang mangyayari... Sana nagsabi ako na pupuntahan ko siya. Tang ina.

"It's been five years, Russel. Mag-move on ka na. Wala na si Seya. Kailangan mo 'yon tanggapin," sabi ni Czedrick saka niya kinuha ang alak mula sa kamay ko.

"Five fucking years. Tang ina, hindi madali..." I sobbed.

Five fucking years. Limang taon na pero hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin lahat. Gabi-gabi ko siyang napapanaginipan. At sa bawat panaginip na 'yon, humihingi ako ng tawad pero ang sinasabi niya lang na aksidente 'yon at walang gusto no'ng nangyari.

Hindi niya raw ako papatawarin kasi wala akong kasalanan kaya dapat tumigil na 'ko sa kakasisi sa sarili ko.

Pero hindi madali. Kahit kailan hindi magiging madali na patawarin ang sarili ko sa nangyari. Hindi ko kayang patawarin 'yong sarili ko sa nangyari.

"Lasing ka na, tol. May flight ka pa papuntang Portugal bukas. Magpahinga ka na," sabi ni Yves.

Hindi na rin ako nagprotesta kasi tama naman sila. Mali 'tong ginagawa ko. Mali na idaan ko sa alak ang paglimot sa pagkamatay niya pero ito lang ang alam kong paraan.

Tang ina, Leigh, balik ka na... Balik ka na, please... Sana ako na lang 'yong nawala.

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon