29

219 13 0
                                    

"Pa, may sasabihin po ako," panimula ko.

Alam ko namang maiintindihan ni Papa 'yong kagustuhan kong mahanap si Mama. Pero kailangan ko pa rin ipa-alam sa kaniya na gusto kong hanapin si Mama kasi parang ang sama ko kapag tinago ko sa kaniya.

"Ano 'yon?" tanong niya.

"Gusto ko pong hanapin si Mama. No'ng umalis po ako, roon ko po napagdesisyonan na hanapin si Mama. I mean, matagal ko na siyang hinahanap pero iba po ngayon, e. Sobrang dami pong gustong tumulong sa 'kin."

Nanatiling tahimik si Papa, tila hinihintay niya ang mga susunod kong sasabihin. "Sa Vigan po ako pumunta... At balak ko pong bumalik do'n,"

He took off his glasses as he sighed deeply. "Seya, maiintindihan ko naman kung gusto mong mahanap ang Mama mo pero sana man lang sinabi mo sa 'kin para naman hindi ako nag-aalala. Malayo ang Vigan, anak,"

Sa tono ng boses ni Papa, alam ko na agad na mapapagalitan ako, e, pero hindi sa way na sisigawan niya 'ko kasi hindi siya gano'n. Dinadaan niya lahat sa mahinahon na paraan. Ganoon siya simula bata ako. Never niya 'kong pinagtaasan ng boses unless ang laki ng kasalanan ko. Last na sigaw niya sa 'kin ay noong 9 years old ako. Naitapon ko kasi 'yong papeles niya. Akala ko basura na pero importante pala 'yon. Pero kahit ako ang may kasalanan that time, nag-sorry pa rin siya sa akin kasi mali raw 'yong ginawa niya. Mali raw 'yong pagsigaw at mula noon, hindi niya na inulit.

Sa part pa lang na 'yon, sobrang thankful na 'ko na siya ang nakaampon sa akin. Kung hindi siya ang tumayong ama ko, siguro hindi ganito kagaan ang buhay ko.

"Sorry po." Napayuko ako.

"I'm not mad, okay? Nag-aalala lang ako. Basta kung ano ang desisyon mo, suportado ako. Ang gusto ko lang ay mag-ingat ka. Iisa lang ang buhay, Seya, kaya mag-ingat ka," sabi ni Papa.

Lumapit ako sa kaniya para bigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Love you, Papa..." I mumbled.

"Mahal kita lagi, nak. Dito lang si Papa lagi,"

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon