"Diyos ko..."
She knew everything. Marami ang alam niya kay Mama at ngayong nasa harap ko na siya, hindi na niya pwedeng i-deny 'yong sinabi niya kanina.
I heard everything.
Alam niya na may anak si Mama. Alam niya rin siguro na inabandona ako ni Mama. At higit sa lahat, alam niya kung nasaan si Mama.
Mabuti na lang sinabi sa akin ni Russel na pupunta sila rito ni Yves. Kung hindi ako sumama, baka hindi ko narinig 'yong sinabi niya.
"There's no point of denying, ma'am. Sabihin niyo na sa amin kung nasaan siya." Russel said.
"N-nagmamakaawa po ako... Sabihin niyo na po kung nasaan ngayon si Mama..."
Umiwas siya ng tingin sa akin. "Umalis na kayo," mahina niyang sabi pero sapat na 'yon para marinig ko.
Ang tagal ko nang hinahanap si Mama tapos ngayong nandito na 'ko, ngayon pa ba 'ko aalis? Ngayong abot-kamay ko na si Mama, ngayon pa ba ako susuko?
"Seventeen years na po akong nangungulila kay Mama. Seventeen years ko na rin pong kinukuwestiyon ang sarili ko bakit niya 'ko inabandona. Araw-araw ko pong tinatanong sa kawalan kung bakit niya 'ko iniwan. Pero kahit ganoon po, araw-araw ko pa rin siyang pinipili. Araw-araw ko rin pong kinukumbinsi ang sarili ko na may dahilan siya. At... At gusto ko malaman kung ano 'yon kasi ang hirap po, e... Ang bigat-bigat na po..." pag-amin ko.
Dahan-dahang lumapit sa akin ang babae saka niya ako niyakap nang mahigpit. Hindi ko na rin napigilang umiyak dahil sa pagtapik niya sa likod ko.
"Pareho kayong biktima ng Mama mo. Ang pinagkaiba niyo lang, pinili mong magpatawad habang siya, sa 'yo binuntong lahat."
What...
"Ako ang nag-iwan sa 'yo sa simbahan. 'Yong mga nando'n sa simbahan, nasabihan ko na bago ako makarating doon." Huminga siya nang malalim bago siya nagpatuloy. "Mas mabuting huwag niyo na siyang hanapin kasi mapapagod ka lang. Naiintindihan mo ba 'ko, Seya?" mahinahon niyang tanong sa akin.
"Ano pong ibig niyong sabihin? Sabihin niyo na po kasi kung nasaan si Mama... Please po..." nagmamakaawa kong sabi.
"Iuwi niyo na siya at huwag na kayong babalik dito," wika niya bago siya tumalikod sa amin.
•••
BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romansathey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022