She's craving for a mother's love. Sa mga salita niya, alam kong anytime bibigay na siya, e, but she chose to fight.
She chose to find her.
Pinipili niya palagi 'yong Mama niya pero napapaisip rin ako kung minsan ba pinili rin siya ng Mama niya?
Kasi deserve niya 'yon, e. Deserve niyang piliin. Sa totoo lang, kapag anak ang usapan, dapat wala 'yan sa options. Kasi kapag anak mo, hindi mo na kailangang mamili at dapat wala siya sa pagpipilian kasi anak mo 'yon, e. Walang pili-pili kasi siya palagi.
But I don't know the whole story. Hindi ko alam ang dahilan ng Mama niya kaya hindi rin ako makapagsalita.
Inuwi ko siya roon sa hotel niya noong lasing na lasing na siya. Ayaw pa niya umuwi no'ng una kasi kaya niya pa raw pero hindi ako nagpatinag.
Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama noong nakapasok na kami sa kwarto niya. No'ng nahiga ko na siya, sunod ko namang niligpit 'yong mga nakakalat sa sahig.
"I'll find her. I promise." I whispered as I stared at her, peacefully sleeping.
Aalis na sana ako sa kwarto niya nang bigla siyang magsalita.
"Huwag mo 'kong iwan..." mahina niyang sabi pero sapat na 'yon para marinig ko. Sapat na ang mga salitang 'yon para manatili ako.
•••

BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romancethey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022