"You texted your friends?" he asked.
Tumango ako habang ang aking atensyon ay nasa pagtitipa pa rin. "Oo, nag-update lang ako sa kanila. I'm Seya, by the way. Huwag na 'Everleigh' itawag mo kasi 'di ako sanay,"
Kanina kasi tinawag niya 'ko sa second name ko. Nakakapanibago siya pakinggan kasi halos lahat ng mga tao sa paligid ko, Seya ang tawag sa akin.
"Russel." he casually said.
"Sorry pala ro'n sa nangyari sa birthday ni Migz. Sobrang lasing na 'ko no'n and ikaw pa talaga nasukahan ko. Tell me, paano ako makakabawi?"
Mahina siyang tumawa. Hindi muna siya sumagot sa akin kasi pumunta siya sa fridge para kumuha ng beer.
"Sorry si enough," matipid niyang sabi saka niya nilahad sa akin ang isang beer. "Gusto mo?"
I shook my head. Simula no'ng birthday ni Migz parang nawalan na 'ko ng gana uminom ng alak. Nakakahiya ako kapag nalalasing. Okay lang naman sa 'kin since isang can lang pero siya kasi 'yong kasama ko kaya nakakahiya.
"I hate beers," pagdadahilan ko.
"Bakit ka nandito? May pasok ka, 'di ba?"
"Wala namang gagawin and wala na rin naman akong pendings so um-absent na lang ako plus may kailangan din akong asikasuhin. Ikaw ba? Bakit ka nandito? 'Tsaka ga'no ka katagal dito?"
Mahina siyang natawa habang ako ay hiningal nang kaunti kasi sunod-sunod ang pagsasalita ko. Gosh, ang daldal ko naman. Nakakainis.
"Ngayong gabi lang ako rito. Uuwi rin ako bukas."
Nag-agawan kami rito sa kwarto tapos bukas rin pala ang uwi niya.
"Saan ka uuwi?"
"Curious, huh,"
I rolled my eyes. "Feeling,"
"Vigan. Gusto mo sumama?" tanong niya pero halata sa tono ng boses niya na nagbibiro lang siya.
"Sige." I replied.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko para pumayag sa alok niya. Ewan, nagbabakasali lang.
Baka roon ko matagpuan si Mama.
•••

BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Storie d'amorethey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022