25

260 12 2
                                        

"Sure ka bang walang ginawa sa 'yo 'yong Russel na 'yon? 'Di naman sa judgemental ha. Nag-iingat lang." Bel stated.

"Wala siyang ginawa sa 'kin no'ng nasa Vigan kami. Mararamdaman ko naman 'yon kapag ginalaw niya 'ko or what." I replied. "Actually, he's kind. Tinutulungan niya nga akong hanapin si Mama,"

"Seryoso?!" Nanlaki ang mata ni Denise no'ng sabihin ko 'yon.

"Oo nga. Napakuwento kasi ako sa kaniya kasi tinanong niya 'ko kung bakit ako nasa Vigan. Then ayun, I told him everything. Ang weird nga kasi he's a completely stranger pero hindi man lang ako nagdalawang-isip na ikuwento sa kaniya lahat..."

"Anong sinabi niya?" Rio asked.

"Proud daw siya sa 'kin tapos tutulungan niya 'kong mahanap si Mama. 'Di ko alam kung paano niya gagawin 'yon pero na-touch ako no'ng sinabi niya 'yon,"

"Tagal mo nang hinahanap 'yong Mama mo. Hindi ka ba napapagod?" tanong sa akin ni Denise.

Napapagod ako, syempre. Pero mas nangingibabaw 'yong kagustuhan kong hanapin siya. Gusto kong masagot niya 'yong mga tanong ko. Gusto kong mawala na 'yong bigat sa dibdib ko kasi ang hirap, e. Gustong-gusto ko na siyang patawarin pero hindi ko kaya...

Gusto ko siyang patawarin para sa sarili ko pero everytime na maaalala ko 'yong pag-iwan niya sa 'kin, doon ko na kinukuwestiyon 'yong sarili ko.

Hindi ba 'ko sapat na rason para hindi niya 'ko iwan? Deserve ko bang iwan sa labas ng simbahan?

Araw-araw, gabi-gabi akong hina-hunt ng mga tanong na 'yon. At ang sakit-sakit kasi hanggang ngayon wala akong makuhang sagot.

"Pagod na pagod na 'ko pero ayokong mag-stay lang sa isang tabi at walang gawin. Gusto kong malaman kung kumusta ba siya, kung buhay pa ba siya, kung bakit niya ginawa 'yon, at marami pang iba. Baka kasi sa pagsagot niya sa mga tanong ko, gumaan 'yong dinadala ko. Ang hirap kaya lalo na sa tuwing makakakita ako ng mga batang may nanay na nag-aalaga sa kanila..."

"Deserve ko naman ng kalinga ng isang ina, 'di ba?"

My tears began to fall. Lumapit sila sa akin at saka ako niyakap nang mahigpit.

"Hindi man mabigay ng nanay mo 'yong yakap na deserve mo, hayaan mong kami muna ang yumakap sa 'yo. Nandito lang kami lagi, Seya. Palagi't palagi," sabi ni Bel habang inaalo ako.

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon