15

282 15 8
                                        

"Ano bang gusto ng mom mo? Plants? Lamps? Kasi ako gusto ko ng lamps. Ang dami ko ngang lamps sa bahay, e. Mga twenty siguro? Lahat 'yon mura lang kasi —"

He cut me off. "You're talkative."

That was... straight-forward. Hindi niya naman ako masisisi, 'no! Simula kaya no'ng dumating kami rito sa mall, hindi siya nagsasalita. Sinusundan niya lang ako tapos 'pag tatanungin ko siya kung maganda ba 'yong isang bagay, tumatango lang siya.

"I'm sorry. Wala kasing nagsasalita, e, 'tsaka gusto kong maging comfortable tayo sa isa't-isa. Para alam mo 'yon? Maging friends tayo or something?" 

Oh my God. What am I even saying?

Tumahimik na lang ako kasi pakiramdam ko kapag nagsalita pa 'ko, mas marami akong masasabing mami-misunderstood niya.

Tulad na lang kanina.

"Sinabi ko bang ayaw kong nagsasalita ka? Keep talking, I'm listening." he said and I just... smiled.

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon