"[Gusto mo ba uwi ka na lang dito sa Manila? Kasi the more na nag-s-stay ka riyan, the more na nasasaktan ka.]" Denise said.
"[I agree. Uwi ka na muna siguro, babe. Pahinga ka rito. Dito mo i-iyak lahat,]" sabi naman ni Bel.
Wala talaga akong balak ikuwento sa kanila lahat pero tumawag kasi si Rio sa gc tapos narinig nila akong umiiyak kaya binaha nila ako ng tanong. Hindi sila tumitigil hangga't hindi ko sinasabi kung bakit.
Nagulat sila noong sinabi ko lahat. Iyak lang ako nang iyak habang nagkukuwento ako sa kanila kasi bumabalik, e.
"[Magsabi ka lang sa 'min kapag 'di mo na kaya. Lilipad ako papunta riyan.]" Rio said.
"Thank you pero mag-s-stay ako rito. Marami akong gustong malaman kay Mama at doon sa landlady ko malalaman lahat."
Magsasalita pa sana ako nang biglang makarinig ako ng katok sa pinto. Nag-mute muna ako sa video call namin bago ko binuksan 'yong pinto.
"Russel? Anong ginagawa mo rito?" sabi ko no'ng nakita ko siya sa labas ng pinto.
I looked at him from head to toe. Nakita ko na may dala siyang white paper bag kaya agad kong tinanong kung ano 'yon.
"For you," sabi niya saka niya nilahad sa akin 'yong white paper bag.
"Ano 'to?"
"Pagkain." he replied. "Kagabi ka pa iyak nang iyak at alam kong hanggang ngayon kasi mugto pa rin 'yang mga mata mo. Kaya nagdala ako ng pagkain kasi baka nalimutan mo nang kumain kakaiyak mo."
"You know me so well." I laughed.
"I memorized you."
•••

BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romancethey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022