"Ang sarap magluto ng Mama mo. Mana ka sa kaniya," sabi ko no'ng nakaalis na kami sa bahay nila.
Sobrang saya ng lunch na 'yon. As usual, maraming kwento si Tita Helena. Mostly ang kwento ni Tita ay tungkol kay Russel. Tawa nga ako nang tawa kasi hiyang-hiya na si Russel sa kwento ng Mama niya.
"Masarap ako magluto?" he asked.
I nodded. "Oo naman. Duh, ang sarap kaya ng igado mo! I mean, hindi kayo Ilokano pero nakuha mo 'yong timpla no'n,"
He smiled at what I've said. He's now smiling, genuinely. Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan ngumiti. Nasanay akong lagi siyang naka-poker face tapos tipid magsalita.
"Marunong ka pa lang ngumiti? Akala ko magsungit lang alam mong gawin,"
"I'm not masungit."
"Anong hindi? Ang suplado mo kaya tapos sa chat lagi kang seen tapos may period pa,"
He laughed. "Daldal mo. Tara uwi na tayo," he said before he grabbed my wrist in a gentle way.
"Saan mo 'ko iuuwi?" nalilitong tanong ko.
"Malamang sa inyo. Saan mo ba gusto?" he asked before he inched our gap.
I smirked. Lumapit rin ako sa kaniya kaya ngayon siya ang napaatras.
"Tumatapang ka, ah." I stared into his gray eyes. Lumapit pa 'ko nang kaunti sa kaniya kaya napaatras na naman siya.
"What are you trying to do?" he whispered slowly.
I stared into his thin lips as I smirked. "Ano sa tingin mo?" I raised a brow.
"Don't test me, Everleigh. Matagal na 'kong nagpipigil,"
With that, I took a step backward as I laughed. Oh, my gosh. Bakit ko ba 'yon ginawa?
•••

BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romansathey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022