"Nakakatakot 'yong Mama mo. I mean, mahinahon siya pero nakakatakot pa rin," pagkukuwento ko kay Russel.
"Masungit, oo. Nakakatakot, hindi." he casually said.
Anong hindi nakakatakot? Tingin pa nga lang ng nanay niya halos maihi na ako. Pero no'ng pinakilala na ako ni Russel sa Mama niya, doon bumait sa akin 'yong Mama niya. 'Yong nakakatakot na vibe, napalitan ng pagka-jolly niya.
Pinakita pa sa akin ng Mama niya lahat ng photo album nila. Lahat ng baby pictures ni Russel ay nakita ko — kahit graduation picture niya ay nandoon rin. And of course, his father. Doon ko nakita na mas kamukha ni Russel ang Papa niya. Pareho silang matangkad — around 6 flat siguro si Russel habang 'yong Papa niya ay nasa 5'11 siguro?
Halos magkapareho 'yong facial features ng Papa niya pati siya. Matangos ang ilong nila, mahahaba ang pilikmata, makapal ang kilay, at higit sa lahat ay moreno. Kung titignan mo nga silang dalawa, parang photocopy si Russel at ang original copy ay ang tatay niya.
And his eyes... Russel's eyes — it speaks a lot. It was mysterious but alluring at the same time. Sa malayuan, aakalain mong kulay asul ang mga ito pero sa malapitan, makikita mo na hindi kulay asul kun 'di kulay abo.
"By the way, may lahi ka ba?" I asked.
Bihira kasi ang gray eyes at 'yong features niya rito sa Pilipinas kaya malaki ang hinala ko na may lahi siya.
"Half Canadian, half Filipina si Mama tapos si Papa, Portuguese."
Kaya naman pala.
•••

BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romancethey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022