96

244 11 6
                                        

Nakita ko sa balita kung saang hospital dinala 'yong mga biktima. Halos paliparin ko 'yong kotse papunta rito kasi tang ina, gusto ko siyang makita. Gusto kong makita kung buhay pa ba siya.

Kasi may parte sa akin na umaasa... Kahit kabaligtaran na ang sinasabi ng mundo.

Pagkarating ko sa hospital, sumalubong sa akin 'yong mga doktor at nurse na naggugumahol mag-asikaso ng mga pasyenteng sugatan.

"Time of death, 1:34 PM," sabi ng doktor, ilang minuto matapos niyang i-revive 'yong katawan ng isang pasyente.

I roamed my eyes around because I'm looking for Leigh. Gusto kong makita ang sitwasyon niya. Gusto kong makita kung nag-aagaw buhay ba siya o hindi...

Nang makarating ako sa dulo, roon ko nakita si Leigh, nakahiga, nag-aagaw buhay. Agad akong pinigilan ng mga doktor no'ng pupunta na 'ko sa kaniya.

Fuck, she can't die. Hindi pwede.

Ilang beses siyang nire-revive ng mga doktor pero patagal nang patagal mas lalong humihina ang heartbeat niya hanggang sa...

Flat line.

I covered my mouth to stop myself from sobbing. Putang ina. Bakit kailangan niyang mamatay? Bakit kailangan Niyo siyang kunin agad?

Leigh, please bangon ka riyan, oh... Bangon ka na, please. Ipapasyal pa kita sa Vigan. 'Di ba, gusto mo 'yon?

Please, Leigh... Please, love...

"Time of death, 1:46 PM,"

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon