22

255 11 0
                                        

"Ano palang course mo?" I asked.

Ang alam ko lang ay nag-aaral siya rito sa Vigan. Pero hindi ko alam 'yong course niya. Actually, wala akong paki sa course niya. Gusto ko lang na mag-usap kami kasi sobrang tahimik. Hindi ako sanay.

"Architecture." he replied. "How 'bout you?"

"Political Science. Same course kami ni Migz," sabi ko at napatango lang siya.

"Anong year mo na?"

"2nd year na. Ikaw ba?"

"3rd,"

Nakakainis minsan 'to. Kung ano lang kasing tinanong ko, 'yon lang ang sasagutin niya. He's not the type of person na may kuwento rin kapag nagkuwento ka.

"You want to find your biological mother, right?" tanong niya kaya napatango ako. "May lead ka na ba para mahanap siya?"

I sighed. "Wala pa. Pero isasantabi ko muna 'yon. I need to focus on my studies as of now..." I trailed off.

"Magtatanong-tanong ako sa amin. Baka kilala nila 'yong Mama mo. I'll message you when I get any lead about your mom," dire-diretso niyang sabi. "Alam mo ba pangalan ng Mama mo? Para mapadali 'yong paghahanap natin,"

Agad kong hinanap sa wallet ko 'yong picture ni Mama para maipakita ko 'yon sa kaniya. Pinicture-an niya 'yong picture ni Mama para mayro'n siyang copy.

"What's her name?" he asked.

"Clarisse." I replied. "Iyon lang ang alam ko..."

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon