91

199 13 5
                                        

Tumayo ako mula sa pagkakaupo nang marinig kong may kumakatok sa pinto.

"Wait lang." I said as I fixed myself.

Namilog ang mga mata ko pagkabukas ko ng pinto. Anong ginagawa niya rito?

"Paper flowers. For you," sabi niya saka niya binigay sa akin 'yong isang bouquet ng... paper flowers.

"Bakit gawa 'to sa papel?" I asked.

He scratched his nape. "Madali kasing malanta kapag totoo. At least 'pag papel, hindi nalalanta. I actually made that. Nanood ako ng tutorial sa YouTube kasi gusto ko ako mismo ang gagawa," sabi niya dahilan nang pagngiti ko.

"Thank you, Russ. It was pretty."

He smiled. "Masaya akong nagustuhan mo."

"Bakit nga pala nandito? Layo ng Manila sa Vigan kaya dapat importante 'yang sasabihin mo kasi sayang naman 'yong gas mo kung —"

"Bumyahe ako papunta rito para sabihin na gusto ko patunayan ang sarili ko sa 'yo. I want to prove myself to you, Leigh..."

"Why?" I asked. "I mean bakit ako? Maraming ibang babae riyan. Ang hirap kasi ipaliwanag, Russ. Marami akong bubog —"

He cut me off. "'Yong mga bubog na 'yon ang nagpatapang sa 'yo, Leigh. Kaya bakit hindi ikaw? Bakit ako maghahanap ng tanso kung ikaw mismo gitno na."

Sa sinasabi niyang 'yan para namang ang perfect ko... but I'm not. 

"I don't think I deserve your love, Russel. Mas deserve mo 'yong babaeng buo hindi tulad ko... Ngayon ko pa nga lang nakikilala ang sarili ko." Napayuko ako. 

"Hindi naman ako nagmamadali, Leigh... I can wait. Kaya kong maghintay —"

"Hanggang kailan?" 

"Hanggang sa makilala mo na 'yang sarili mo. Hanggang sa mahalin mo na 'yang sarili mo kasi ako, Leigh, tanggap kita. Pati mga bubog na sinasabi mo, handa kong mahalin. Handa kong tanggapin. Parte 'yon ng pagkatao mo kaya para sa akin hindi siya bubog. If this is about your past, I don't fucking care. Mahal kita. Walang kaso, walang dahil, walang pero."

With that, I hugged him tightly. My tears started to fall as he said those things. Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong tanggap ka nang buong-buo. 

"I love you, Everleigh. I love every inch of you including those parts that you think is unloveable." he said before he kissed the top of my head.

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon