57

191 12 1
                                    

Sa lahat yata ng pagkakataong nakita ko siyang umiyak, 'yong kagabi yata ang pinakamalala. Iyong kagabi 'yong pinakamasakit. Halos lumuhod siya no'n para malaman kung nasaan ang Mama niya.

Noong nakita ko 'yon, doon ko napagtanto na tama pala sina Czedrick sa sinasabi nilang 'Apektado ako kapag malungkot siya' o kaya 'Mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak'.

Totoo pala 'yon. Kasi kagabi, halos madurog 'yong puso ko sa bawat hikbi niya. Gustong-gusto ko na siyang iuwi that time kasi mas lalo lang siyang naiiyak kapag sinasabi sa kaniya na sumuko na. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong gustong-gusto na niyang mahanap ang Mama niya kaya kahit masakit para sa akin, hinayaan ko siyang manatili roon. 'Basta nasa likod niya lang ako lagi', 'yon lang 'yong nasa isip ko kagabi.

Sinabi niya lahat ng hinanakit niya. Sinabi niya 'yong matagal niya nang kinikimkim. Pero kahit ganoon, wala siyang nakuhang matinong sagot. Kaya imbes na manatili, inuwi ko na lang siya. Kahit ano kasing pagmamakaawa 'yong ginawa niya, hindi pa rin talaga sinabi kung ano 'yong totoo.

As of now, she's peacefully sleeping. Mugto ang mga mata niya kakaiyak kaya madali rin siyang nakatulog kasi pati mga mata niya napagod na rin kakaiyak.

Just then, I also found myself shedding a tear. God, she deserves the best. Ibalato Niyo na sa kaniya 'yon.

"Bro, you're crying. What happened?" Yves suddenly asked.

"Napuwing lang." I reasoned out.

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon