77

164 10 2
                                    

"Good morning po." she smiled at my parents.

Nilapag ni Mama 'yong plato na hawak niya bago siya pumunta kay Leigh para yakapin ito.

"Blooming ka, hija. You look happy. Noong unang punta mo rito parang problema ka, e. Pero ngayon, hindi na,"

She laughed. "Russel helped me po sa paghahanap kay Mama. Kaya po kung hindi dahil sa kaniya," she glanced at me. "baka hanggang ngayon malungkot pa rin ako."

"Ay nako tama na 'yang drama. Madaling umiyak si Helena kaya sige na. Kumain na tayo," sabi ni Papa.

Umupo na kami at nagsimula nang kumain. We talked a lot of things while eating. Mostly, ang topic ay kay Leigh. Nagtanong kasi si Mama kung anong course niya hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Sa ngayon, kinukuwento niya na kung anong plano niya after niyang mag-take ng BAR.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Ang ganda niya lang habang sinasabi 'yong mga plano niya. She was effortlessly beautiful.

"Nak, ang grasya hindi tinititigan," bulong sa 'kin ni Papa.

•••

Somewhere in ViganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon