"Dito ba talaga nakatira 'yon? Para namang walang tao rito," sabi ko habang lumilinga sa paligid.
"Ito sabi sa address, e. Baka naman nagtatago ulit." Yves replied.
Kanina pa natahol 'yong aso nila pero hindi naman sila nalabas para makita kung sino 'yong tinatahulan nito. Actually, nakasindi pa ilaw nila kanina pero no'ng tumahol 'yong aso tapos kumakatok na kami, roon na sila nagpatay ng ilaw.
Halata talagang tinataguan kami.
Halatang may alam siya sa nangyayari.
"Wala ba kayong balak umalis? Nakakaabala kayo."
I took a deep breath when I saw her. Siya 'yong landlady.
"Bro, siya na 'yan." Yves replied.
"Anong kailangan niyo?" she asked, staring right into my eyes.
"Good evening, ma'am." I formally said. "Pwede po ba namin malaman kung saan lumipat si Clarisse?" maingat kong tanong.
She sighed before she crossed her arms. "Ikaw ba 'yong umaaligid sa akin? Bakit niyo siya hinahanap, ha?"
"Ma'am, the one who's following you was my father. It wasn't him." Yves stated.
"Hinahanap po namin siya kasi may isang tao na nangangailangan ng kalinga niya. 'Yong anak niya ho matagal na siyang hinahanap," sabi ko dahilan nang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya.
"Anak ka ni Clarisse? Imposible, babae ang anak niya!"
"So may alam ka nga?" someone asked.
Her voice was shaking. Nangingilid rin ang luha niya nang marinig niya ang mga salitang 'yon. Hindi ko alam kung nalungkot siya sa narinig niya o nakadama rin siya ng pag-asa. Kasi gaya ko, 'yon rin ang nararamdaman ko ngayon.
"Seya..."
•••

BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romancethey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022