"What if ayaw talaga ni Mama na mahanap ko siya?" tanong ko bago ko ubusin 'yong natitirang beer.
Sa dami ba naman ng binili kong beer, tignan na lang natin kung hindi pa 'ko malasing.
To be honest, minsan ko lang gawin 'to, e. Ayoko idaan sa pag-iinom 'yong pinagdadaanan ko pero kung ito 'yong paraan para makalimot saglit, edi sige.
"You're drunk. Uwi na tayo." he said.
"Mahal ako ni Mama, 'di ba? Mahal niya 'ko, 'di ba..." my voice broke.
I sound desperate. Biruin mo, tinatanong ko sa ibang tao kung mahal ba 'ko ng nanay ko. Tang ina. Grabeng buhay 'to, oh. Grabeng pahirap naman.
"She loves you —"
"Kung mahal niya 'ko, bakit niya 'ko iniwan? Kung mahal niya 'ko, bakit wala siya no'ng mga panahong kailangan na kailangan ko ang pagmamahal niya?" sunod-sunod kong tanong.
Kung mahal niya 'ko, bakit hindi niya man lang sinubukang hanapin ako? Bakit hindi siya nag-reach out...
Ma, naman, e... Bakit kasi ganito? Bakit ang hirap-hirap? Bakit hindi ko magawang patawarin ka? I know you have your reasons kung bakit mo 'yon nagawa sa 'kin. Siguro hindi ka pa handang maging ina sa 'kin o masyado ba 'kong makulit noon kaya mo ako iniwan?
"Pagmamahal ba 'yong ginawa ni Mama? Kasi kung oo, sa kaniya na lang siguro 'yon. Ang sakit kasi, e... Ang sakit-sakit, Russel... Ang sakit ng pagmamahal niya..." I laughed bitterly as I continued wipe my tears.
•••
BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romancethey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022